KABANATA 3

1.2K 27 2
                                    

           

"Uh, sorry kung ginising kita. Pero kasi, dumidilim na."

Hindi ako makapagsalita. Nakatulog ako sa pagpapalipas ng oras para iwasan ang taong nasa harap ko na ngayon.

"Oo nga pala, naiwan mo nung isang linggo" sabi niya sa akin, at saka inabot ang notebook ko. "Pasensya ka na kung ngayon ko lang naibigay, ngayon lang kasi kita naabutan. Hindi kita nakikita nung mga nakaraan na araw, eh."

"Pa-paano mo nalamang a- akin 'to?"

"Um, hindi ko binasa 'yung notebook mo kung nag-aalala ka. Uh, I mean, binasa ko 'yung unang entry kaya ko nalaman na sa'yo 'yan. May pangalan mo kasi dun sa, unang page. Pero hindi ko naman na tinuloy,  kasi mukhang personal."

"Sa-salamat." Hindi ko na alam kung ano pa ang susunod na sasabihin. Ni hindi ako makagalaw sa pagkakaupo dahil nakatayo lang sa harap ko si Bambam.

"Uh, Cassandra... I think we need to go home right now. Kailangan na natin umalis dito, dahil baka masarhan tayo ng gate."

Natin? May ganun? Walang tayo, pero may natin? Emeged!!! Hindi ko kinakaya ito. Lord, kunin niyo na ak- Joke lang po, 'wag niyo po muna ako kunin. Kahit si Spongebob na lang po muna ang kunin niyo, total hindi ko na po siya kailangan sa buhay ko.

Naging mabilis ang mga pangyayari, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa gitna ng drayber at ni crush.

"Cassandra."

"Ha?" sabi ko, saka siya nilingon. Sa hindi ko malaman na dahilan, ngumiti siya na parang ewan bago magsalita.

Kanina ka pa tumitingin sa relo mo. May pupuntahan ka ba?" tanong niya.

"Uh... Sa- sa totoo lang, may work kasi ako ng 7pm. Pero-"

"Hala, sorry."

"Ba-bakit ka nagsosorry?"

"Eh kasi dapat pala ginising na kita agad pagdating ko ng klasrum niyo kanina. Ang kaso nahihiya kasi akong gisingin ka. Kung gusto mo, sasamahan na lang kita sa pinagtatrabahuhan mo."

Actually, talaga namang makakasama kita dun, dahil dun ka naghahapunan. Hindi mo lang alam na nandun ako, sagot ko sa kanya... Sa isip ko.

"Naku, ayos lang. Magpapaliwanag na lang ako dun sa boss ko."

Ang awkward ng paligid habang magkasabay kaming naglalakad. Ito kasi ang unang beses na nasa iisang side kami ng kalsada.

Hindi ako makapagsalita dahil ang daming tumatakbo sa isip ko. Hindi rin naman nagsasalita si Bambam, kaya tahimik lang kami pareho. Ano ba naman kasi ang pag-uusapan namin? Huli na ako sa trabaho, pero hindi ko maramdamang magmadali. Kung maaari nga, wag na sana kaming makarating sa kahit na saan... Ganito na lang sana kami.

"Cassandra" pagbasag niya sa katahimikan.

"Ha?"

Napangisi na naman siya bago magsalita. "Ang hilig mo talaga sa, 'Ha?' ano?"

"Ha? Ano 'yon?"

"Pinapabasa mo ba 'yung notebook na iyon sa crush mo?" medyo natatawa pa rin niyang tanong, habang para akong poste na tinamaan ng kidlat sa tanong niya.

"Wala, naitanong ko lang. Ang cool lang kasi nung ginagawa mo. Parang gusto ko rin subukan. Pero kung ako ang gagawa niyan, hindi ko ipapabasa sa crush ko. Dun ko isusulat lahat ng hindi ko masabi sa crush ko, tapos kapag handa na akong umamin sa kanya, saka ko iaabot sa kanya. Pero gagawin ko 'yon sa mala-telenobelang paraan."

Halos hindi ko ma-absorb ang mga sinasabi ni crush. Hindi ko kasi mapigilang tingnan lang siya habang naglalakad kami. Kung may poste nga sa daanan namin, baka kanina pa ako nauntog.

Dear Crush (Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon