KABANATA 9

395 14 1
                                    

"Be, kanina ka pa umiiyak. At kanina pa ako retouch ng retouch sa'yo. Pudpod na 'yung punda ko, Cassy. Kung nakikinig ka kasi sana sa akin, eh..."

Nagpatulong ako kay Kaireh na takpan lahat ng maga sa paligid ng mata ko. Nasobrahan yata ako sa iyak buong gabi. Pero sabi ko nga sa sarili ko, huling iyak ko na iyon nang dahil sa kanya...

"Kailangan ko pumasok, masesesante ako pag hindi na naman ako pumasok."

"Crush lang pala, ah... Ganyan?! Ganyan ka magka-crush? I wonder, paano pa kung mahal mo na?! Papakamatay ka, mga ganung level? Eh daig mo pa ako nung nag-break kami nung jowa ko na 6 years ko ring nakasama!!!"

Alam ko na pinapatawa lang ako ni Jaireh kaya hinayaan ko nalang siya.

"Last song na bunso, okay na tayo?" bulong ni kuya Fred sa akin. Tumango lang ako. Siya nama'y nagsimula nang mag-stram.

"You, got me caught, in all this mess
I guess, we can blame it on the rain..."

Siya ang dahilan kung bakit ako nasa sitwasyong ganito. Ang dami kong sinakripisyo, bakit hindi naisip na dadating sa ganito? Walangyang ulan kasi na 'yan, bakit pa bumuhos.

"My pain is knowing, I can't have you.
I can't have you."

Walang kasing himala. Si Cathy ang kailangan niya. Hindi ako magiging si Cathy kahit kailan.

"Tell me. Does she look at you the way I do Try to understand the words you say dnd the way you move? Does she get the same big rush when you go in for a hug and your cheeks brush? Tell me."

Ako kasi, oo. Dapat ako na lang ang nagustuhan niya. Kasi hindi ako si Cathy. Kasi ako, gustong gusto ko siya. Dapat ako na lang. Crush? Nung simula, crush lang naman talaga. Ngayon, ewan ko na. Hindi na ata.

"Am I crazy, or is this more than a crush"

Ang sakit-sakit na. Ang hirap-hirap na. Ayoko na. Hindi ko namalayan, umiiyak na naman pala ako. Sabi ko pa naman, hindi na. Dapat tanggapin ko na... Biktima ako ng one-sided-impossible-love.

"Maybe I'm alone in this but I find peace in solitude, knowing if I had but just one kiss this whole room would be glowing. We'd be glowing. We'd be glowing.

Hindi ko alam kung namamalikmata ako, o talagang nandito na naman yung dalawa. Sila na ba?

Oo crush lang ito nung simula. Pero mukhang, hindi na nga simpleng paghanga 'tong nararamdaman ko. Dahil masyadong masakit 'to para sa crush. Natapos ang kanta, pero ang pagiyak ko... Hindi.

Nagtama ang mga mata namin. Pero naputol din agad dahil kinausap ako ni Marco. "Oh, bakit ka umiiyak?" tanong niya, pagbaba ko ng stage.

"Wala boss, ang sakit pa rin ng puson ko" pagdadahilan ko.

"Baliw ka talaga. Sabi sa'yo uminom ka na nung gamot, eh. Halika sa loob" sabi nito saka lumingon sa banda, "Good job guys. Isang bucket, treat ko."

Naghiyawan naman sila, habang ako nandito sa loob. Kakatapos lang inumin yung gamot, na hindi naman ako tatablan dahil puso ko ang masakit, hindi puson.

Tinawag ako nina Fred, kaya nakiupo ako sa table nila.

"Bunso kanina pa namin napapansin, mukhang may problema ka ah? Sabihin mo samin, baka may maitulong kami" sabi niya sa akin.
Sandali akong sumulyap kina Cathy na ngayo'y kumakain sa isang table sa dulo ng resto, saka binalik ang tingin kay Fred.

"Tungkol na naman ba 'to dun sa crush mo?" tanong niya. Nagkuwento na lang ako sa kanila. "Mas maganda sana kung nakaamin ka muna sa kanya. At least malalaman mo kung anong magiging reaksyon niya" payo ni Fred.

Pinayagan ako nila Fred na makiinom sa kanila ngayon. Kaso ang dali ko atang tinamaan dahil hindi ako nakapaghapunan.

Alasdose na ng gabi nung sinabi nilang kailangan ko nang umuwi. Hindi naman ako lasing na lasing. Alam na alam ko pa ang ginagawa ko. At kaya ko pa ang sarili ko.
Hindi ko na napansin ang pag-alis nina Cathy at Bambam. Hindi ko naman sila tinitingnan nung kumakain sila. Baka kasi masaktan lang ako nang masaktan.

"Sigurado ka bang, hindi mo na kailangan magpahatid?"

"Kaya ko na po" sagot ko sa kanila.

Grabe, ang sakit na marinig mula sa kanya na mahal niya siya. Pero mas masakit na mapagtanto ko ngayon, na mahal ko na pala siya. Alam ko naman na mahal niya talaga si Cathy. Pero iba pa rin na narinig ko 'yon mula sa kanya.

Hindi ko alam kung nahihilo ako dahil sa alak. O nahihilo ako dahil sa gamot na ininom ko, na hindi ko naman dapat ininom. Napahinto ako sa pagpalakad nang makita ko si Bambam at Cathy na nakaupo sa plantbox sa kanto.

Sigurado naman akong hindi ito pamamalikmata, hindi rin imahinasyon, hindi rin dahil lasing ako. Bakit ba nandyan pa sila? Bakit ba ayaw nila akong tantanan? Kahit saan ako pumunta, nakikita ko sila.

Aha! Nandito pala ang lalaking mahilig sa telenobela. Pwes, dahil lasing naman ako, may karapatan akong magwala.

"Uy Catherine! Anong ginagawa mo dito?" makapal-mukha kong bungad dun sa dalawa. "Uy kasama mo yung boyfriend mo?!"

"Cassy, ayos ka lang?" tanong ni Cathy na hindi ko pinansin dahil kay Bambam ako lumapit.
"A-ayos ka lang, Cassandra?" tanong niya sa akin.

Tama iyan, Bambam. Ganyan nga. Tawagin mo ako sa pangalang ikaw lang ang tumatawag sa akin.

"Nakainom ka- ka ba?" tanong pa ni Bambam, na boyfriend ni Cathy. Teka, hindi naman 'to yung pinakasalan niya sa marriage booth ah? O malabo lang ang mata ko.

Lumapit pa ako kay Bambam, kaya lang may naapakan akong bato. Natapilok na naman ako. Mabuti na lang at sinalo ako ni Bambam. Sana noon niya pa ako sinalo...

"Catherine! Hindi naman ito yung lalakeng pinakasalan mo sa marriage booth, ah?" sabi ko habang nakahawak sa mukha ni Bambam. "Yung crush ko 'to, eh... Si Bambam..."

Lumuwag ang hawak ni Bambam sa bewang ko. Namumula na ba ang paningin ko, o talaga namumula lang ang pisngi ni Bambam?

"Oh my gosh!" nagulat na sabi ni Cathy.
Ano ka ngayon, bruha?! Kaya mo ba nang ganitong malatelenobelang pag-amin? Hindi lang ito ang kaya ko, Bambam.

"Ang totoo niyan, maha-"

Hindi ko na natapos ang kagagahan ko, dahil sumingit na naman si Cathy. Hindi ko lang talaga inaasahan na mawawala ang lasing ko, sa linyang bibitawan ni Cathy.

"Langya naman, Bambam! Eh crush ka naman pala nitong crush mo!!! Pa-practice-practice pa tayong nalalaman!!!"

Hindi naman umuulan, pero bakit pakiramdam ko isang tangke ng malamig na tubig ang bumuhos sa akin?

Dear Crush (Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon