PROLOGUE

6.2K 74 36
                                    

Hindi ako naniniwala sa himala. Naniniwala ang mga tao na may taong nakaalan para sa bawat isa. 'Yung tinatawag nilang soulmate... 'yung pinapaniwalaan nilang si the one. Pero wala ganoong tao sa buhay ko. Kailan ma'y hindi sumangayon ang ihip ng hangin sa akin. Kaaway nga siguro ang turing sa akin ng tadhana.

Gayunpaman, nagawa kong magsakripisyo para sa isang tao. Hindi ko siya soulmate. Hindi rin siya 'yung the one. Para kaming north at south pole na hindi magtatagpo, kahit anong ikot pa ang gawin ng mundo. Masyadong iba sa akin. Masyado kaming imposible. Hindi kami nakatadhana sa isa't isa.

Pero sa kabila nang lahat ng iyon, gusto ko siyang makasama. Sapat nang makita ko lang siya. Kahit hindi kami nag-uusap, kahit hindi niya ako kilala. Makita lang siya, sapat na talaga.

Ang totoo niyan, crush lang talaga ito nung una. Pero matapos ang lahat ng nangyari, hindi ko na alam kung simpleng paghanga pa rin ba ito, o iba na...

Dear Crush (Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon