Chapter 39.! THE HISTORY.!

72.5K 1.3K 87
                                    

Here's the Update mga beh's.!:'>. Wooh, malapit ng matapos ang flashback, konting kembot na lang. Hahaha.!!;-)

Gomene kung late man huh?! Di bale, mahaba naman ito.:'>

Anyway, this is dedicated to

@MichaelaTY599,

@erika_feyne23,

@Dreamer023,

@iamLhyn08...:'>

Lab 'ya all BABY.!! \\(>_^)//♡♥

Mwahh..!!:-*

TOODLES..!!!

************************************************************************

Chapter 39

3rd Person's Pov

Mabilis lumipas ang mga araw at buwan. Mas nakilala ni Red at Violet ang isa't-isa habang lumilipas ang mga araw. Naganap na rin ang labanan sa pagitan ni Master Lewi at ni Red, kung saan ang araw na iyon ay nag-silbi bilang isa sa mga kinasasabikan at tinuturing na mahalagang pangyayari sa buhay ng mga ROYAL GANGSTER EMPIRE.

Lahat ay hindi makapaniwala ng matalo ni Red a.k.a Cephalus ang nag-iisang tagapag-taguyod ng R.G.E. Ang itinuturing na 'THE ONE", ang "THE LIVING LEGEND" ng lahat ng mga gangster na nabubuhay. Dahil, maniwala ka man o sa hindi ay kilala ito pati sa ibang organisasyon ng samahan ng mga Gangsters. Ganoon ito kasikat at ka-popular.

At sa loob din ng ilang araw na lumipas ay mas napalapit si Red sa iba pang mga kasamahan sa loob ng R.G.E members. Kilala ito halos lahat ng tao. Tumatak na kasi sa kanila ang ginawa nitong exhibition last time, isama mo pang nagawa nitong talunin ang pinaka-malakas na tao sa R.G.E (except violet).

Tumagal ang kanilang laban ng mga 3 oras mahigit, akala nga ng lahat ay di na ito matatapos dahil walang gustong mag-patalo o magpa-awat man lang. Pero dumating ang puntong parehas ng pagod ang dalawang kampo, at halos di na makatayo. Gayunpaman, pinilit ni Cephalus na tumayo at sa huling suntok nito kay Master Lewi ay binuhos nya ang natitirang lakas para mapa-bagsak ito. Di naman ito nabigo sapagkat sya ang tinanghal na panalo.

Magmula ng araw na iyon, ay nakalikom ng respeto at taga-hanga ang binata. Naging malapit ito sa lahat, lalo na kay Agustin Chamelar a.k.a DEATH. Naging matalik na mag-kaibigan ang dalawa at parang kapatid na ang turingan ng mga ito.

Sa isang banda naman ay unti-unting umuusbong ang pagmamahalan nina Red at Violet sa paglipas ng araw na mag-kasama ang mga ito. Di rin nag-tagal ay nanligaw si Red kay Vio na hindi naman tinanggihan ang inaalok nito. Dahil dito, ay lagi silang mag-kasama kahit saan man mag-punta maliban sa c.r syempre, kaya naman ay tinutukso na ito ng mga myembro ng R.G.E kung sila na nga daw ba, dahil hindi nga mapag-hiwalay.

Nalaman ni Agustin ang panliligaw na ginagawa ni Red kay Vio at galit na galit ito. Para itong pinag-taksilan at pinag-sakluban ng langit at lupa, gayung wala namang namamagitan sa kanilang dalawa ni Violet. Iniisip din nitong papaanong pinayagan itong manligaw ng babae kay red gayung kakikilala palang ng dalawa. Imposible namang magka-gusto agad ang dalaga sa binata. Samantalang siya ay ilang taon ng nanliligaw, umiibig at nag-papahayag ng damdamin para sa dalagang sinisinta ngunit di man lang ma-ibalik ang pag-tingin.

Dahil sa sobrang galit ay di na pinansin ni Agustin si Red. Kinalimutan nito ang lahat ng kanilang pinag-samahan sa loob ng maikling panahon. Nag-tanim ito ng sama ng loob sa kaibigan, at nag-lagay ng malaking pader sa pagitan nila. Sinubukang kausapin ni Red ang dating kaibigan at humingi ng tawad ngunit hindi ito pinakikingan ni Agustin at kalaunan ay nag-simula na itong umiwas.

Lumipas ang ilang buwan at sinagot ni violet si red. Kaya naman mas hindi mapag-hiwalay ang dalawa, kung nasaan ang isa ay nandoon ang isa pa. Walang iwanan ika nga nila, at dahil dito ay mas nag-puyos sa galit si agustin.

Empress of the Gangsters.! (COMPLETED)Where stories live. Discover now