SPECIAL CHAPTER!

620 18 10
                                    

Special Chapter 1

After 2 years

Skyzzer Blue's Pov

It's been a long time, 2 taon na ang lumilipas simula ng umuwi ako ng Pilipinas, at simula ng araw na iyon ay marami na ang nangyari at nabago sa buhay ko. I admit, I like the certain changes with me, and I never regretted every single decision I made that time. Nakakilala ako ng mga taong masasabi kong totoo at hindi ako iiwanan kahit na ano ang mangyari.

Many people keep on saying that my friends are very lucky to have me as one of their group, but for me? It's the other way around...Higit akong maswerte na makatagpo ng mga taong ganoon ang pananaw sa buhay. At nagpapasalamat ako dahil naging kaibigan at parte sila ng buhay ko.

Maraming nangyari sa paglipas ng taon, simulan natin sa mga myembro ng B.K.E. Mula ng magkawatak-watak ang Emperyo nila ay hinikayat namin silang sumanib nalang sa R.G.E, ipina-batid namin ang nais naming mangyari at naging maayos naman ang pag-uusap namin kung kaya pina-unlakan nila ang aming Imbitasyon, sa dalawang taon na lumipas ay naging maayos ang buhay ng lahat. Walang laban, away, at sigalot ang nagaganap pa sapagkat tapos na ang lahat. Sa ngayon ay magkasama na ang R.G.E at B.K.E sa pamumuno sa lahat ng Gangsters. Although nasa Royal Highness parin ang kapangyarihang mamuno. Si Cronus naman ay pagkatapos humingi sa akin at sa lahat ng tawad ay inilagay sya sa Rehab at ng hindi na sya ulit maka-paminsala. Mukhang tumitino at bumabalik na din sya sa dati nyang sarili, base na din sa pag-oobserba ko sa kanya. He is doing good.

" Baby? Are you there? Tara na! Baka ma-late tayo sa program!"-dinig kong tawag ni Grey sa akin. Pero hindi ako lumabas at sumagot, bakit? Wala lang...gusto ko lang syang asarin.(smirk)

Humarap nalang ako sa salamin na nasa kwarto ko at hinawakan yung Pendant na binigay ni Dad ng 3 taon palang ako. Ngayong araw na ito ay matutupad ko na yung matagal ko ng ipinangako sa kanila. Ang makapag-tapos ng pag-aaral with flying colors.

" Baby? Hey, nandyan ka lang pala. I was looking for you, bakit hindi ka sumasagot?"-sabi nya at yumakap sa akin mula sa likod.

" Alam mo? Simula ng magising ka sa pagkaka-coma mo? Mas lalo kang naging pilya. But, I like you being naughty."sabi nya at hinalikan ako sa pisngi.

" Who's naughtier? Ikaw o ako? Binabaliktad mo naman eh."sabi ko at ngumiti.

Habang naka-ngiti ako ay bigla nalang nya akong hinalikan sa labi, mabilis lang naman," Diba sabi ko huwag kang ngingiti ng ganyan? Mas naiin-love ako sa'yo."-sabi nyang naka-ngisi sa akin.

Tinampa ko nga yung labi nya pero mahina lang, "Chansing ka lang!"-sabi ko at tinawanan ba naman ako.

" Tara na nga, bumaba na tayo. At baka kanina pa sila nag-hihintay sa baba!"-sabi ko nalang, ayaw nya kasing tumigil sa kakatawa. Ng lalabas na ako ay hinila nya ako papalapit sa kanya.

" Just a minute baby, kailangan kong mag-recharge. "sabi nya at niyakap ako ng mahigpit.

Simula ng ma-hospital ako ay walang araw ang hindi nya ako niyakap ng ganito. Mahigpit, mainit, at pakiramdam ko ay ligtas ako palagi, pag tinatanong ko kung bakit nya ginagawa yon ang madalas nyang sagot, " Kasi mahal kita, gusto ko kapag may yumakap sa'yo. Ako ang una mong maaalala, atsaka nag-rerecharge lang ako. Dahil buong gabi kitang di naka-sama. Na-miss kaya kita ng sobra, hindi ako nakaka-tulog ng maayos dahil iniisip kita."

Humiwalay na sya sa yakap at ngumiti ng maaliwalas, " Ok na ako, tara na?"-tanong nya at inabot ang kamay sa akin.

Ini-abot ko naman yung akin at sabay kaming bumaba. Habang pababa kami ng hagdan ay nag-salita sya, " By the way, You look stunning babe. For sure, pag-titinginan ka na naman ng lahat, at for sure may masusuntok na naman ako."

" Hey...are you jelous? You're my fiancee and I love you, so there's no need to be like that."

" Yeah, and I'm such a lucky bastard. Because you are mine, MINE ALONE."

I love you to the moon and back. "-he said then kiss my right hand.

Grey became my fiancee, ang tagal narin namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Empress of the Gangsters.! (COMPLETED)Where stories live. Discover now