Chapter 30.!RGE vs. BKE.!-__-

83.7K 1.5K 52
                                    

Happy 300k to EOTG..!! Sorry ngayon lang ang ud, haha bitin ba talaga yung last?^__^. Anyway malapit na siguro tayo sa climax? I don't know actually haha.:-).

Ahmmn..Guys pag-pasensyahan na kung di ako masyadong marunong gumawa ng fighting scenes huh? Wala po kasi talaga akong alam pag-dating sa mga ganitong bagay. Kaya pag-pasensyahan kung di gaanong maganda ang kalalabasan ng fighting chenes. Remember amateur writer lang po ako na nag-try mag-sulat ng tough genre na story.^__^

Huwag masyadong mag-expect sa ud baka di kayo magandahan, pina-pauna ko na para alam nyo na.

Anyway, This is dedicated to EmpressGoddess !:-)) ...^-^

Lab 'ya all BABY.!! \\(>_^)//♡♥

Mwahh..!!:-*

TOODLES..!!!

************************************************************************************

Chapter 30

Skyzzer's Pov

" Fu*k.!"-napa-mura na lang ako ng marinig ang ibinalita sa akin ng isa sa mga RGE councils.

Sino ba namang hindi kung malaman mong sinusugod ngayon ng BKE ang Gangster Palace. Sabi ng council na kausap nya ay may mga nasa 5 minuto na daw ang nakakalipas ng biglang sumugod ang mga miyembro ng BKE sa GP.

Nagulat daw ang lahat pati na ang mga taong nag-lalaban sa ring ng maka-rinig ng isang napaka-lakas na pag-sabog galing sa may pintuan. Naging sanhi ito upang tumigil ang lahat sa kanya-kanyang ginagawa.

Napasukan ang buong GP ng usok kaya hindi daw nila makita ang mga anino na nasa likuran ng pag-sabog na naganap. Umuusok daw ang pintuan at napuno ng hamog ang buong lugar pero makalipas ang ilang sandali, unti-unting nawawala ang hamog na kaninang bumabalot sa loob.

Pumasok ang isang lalaki na naka-suot ng jacket na may logo ng BKE sa bandang dibdib nito. May dala itong baseball bat sa kanang kamay na nakapatong sa kanang balikat. Sa likod nito ay mga taong naka-itim na kasuotan at may jacket na gaya ng sa nauna na pumasok.

Bigla na lang daw hinampas ng lalaki ang lamesa gamit ang bat at doon na nag-simula ang bakbakan.

Pagka-rinig ko ng sinabi nya ay di na ako nag-abalang tapusin pa ang lahat ng sasabihin nya at basta na lang pinatay ang cellphone at tumayo. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at ang maskarang laging gamit.

Hindi na ako nag-dala ng mga sandata na gagamitin ko dahil meron naman sa sasakyan ko nito. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa GP. Sa sasakyan ko narin ako nag-bihis.

Makalipas ang 10 minuto nakadating ako ng GP. Huwag ng mag-taka kung bakit 10 minutes lang, ikaw ba naman gumamit ng Turbo hindi ka kaya makadating ng mabilisan sa pupuntahan mo.-__-

Ipinarada ko ang sasakyan ko sa tagong lugar na tanging ako at ilang councils lang ang may alam. Sinuot ko na ang maskara ko at nilagay ang ilang mga gears o sandata sa katawan ko.

Bumaba ako ng sasakyan at sa labas pa lang ng GP ay kitang-kita ko na ang mga sasakyan at motor ng mga lapastangan na nilalang na sumugod sa Gangster Palace.

Tss.. May parking naman bakit sa harapan pa ng G.P nag-park? Anong silbi ng parking lot kung di nila gagamitin diba?+__+

Minsan may pagka-bobo talaga ang mga goons.

May nakita akong mga 5 katao na tinatadyakan ang 3 lalaki na kung di ako nag-kaka-mali ay mga miyembro ng RGE.

Nag-tatawanan ang mga ito na parang mga demonyo na nasisiyahan panuorin ang mga taong sinusunog sa apoy.

Empress of the Gangsters.! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon