EPILOGUE

96.2K 2.2K 454
                                    

I would like to dedicate this EPILOGUE to the following:

MomLiza, DadNoel, EngineerKim, Kelvin, JeannaMaePlacido, CassidyGaetos(My buddy!), xxx_101, aifos_02, ezrrruhhhhh_o7, jez_07, chriztineeJoy, setterempillo29, JennicaCabioMaquilan, ZhardetStyles, IAmKielAyalgam, ICEonAeyesofAFISH, IrishPerez14, xoxoBangskie, soo_sun, ChibiFreakEmpress, bluelight_mystique, KarymeAshley, principessa101_, PaulineCutie, Chuffyhan, cruzfei_13, debbiefei, _maddle_, Ms_Cristelleee, riulyncarvajal, Ms_Par, kryllecagara, darkaquarius, MixyGirl, PlusFraserEyes01, wanna_die02, cinderella0312, MissyJeanny15, LiliaJean, Nezaya_XD, yannie_Empress7, Steambaozi, NhaigelMin, valeriejoymacapagal, innocent_maldita, ColdDerpPrincess, one4threee, aLeKzhAndraPARK, misskheyta11, whitemare26, jeninesalvador73, Kylenggg852, lian_27, imkristineeeeee, htebahsirk, GirliePiqueBernal, AbegailTorres4, EksdiFlirt and to all of Eotg Readers! Kung hindi ko man na-banggit ang un nyo, i'm sorry po. Paki-message ako at i-eedit ko na lang.

Lab 'ya all BABY.!! \\(>_^)//♡♥

Mwahh..!!:-*

TOODLES..!!!

************************************************************************

Epilogue

I am here at the cemetery, once again.Bringing her favorite flowers, talking to her. Visiting her tombstone everyday, walang palya, 1 week na akong ganito, pabalik-balik dito sa puntod nya, pupunta ng maaga tapos uuwi pag gabi. Naka-upo lang ako sa harapan ng puntod nya at pinag-mamasdan ang pangalang naka-ukit sa lapida.

'Skyzzer Blue Lee Cole' Date of birth: December 7, 1997

Dide last: November **,20** .

Hanggang ngayon ay hindi parin ako maka-paniwala, na iniwan na nya ako. Ang akala ko kasi 'Walang Iwanan' at 'Walang bibitaw' ang sabi nya kasi hindi nya ako hahayaang mag-isa. Na lagi lang syang nasa tabi ko. Pero Pucha! Ang sakit pala! Para akong sinaksak at binaril ng ilang ulit! Tagus-tagusan hanggang buto at kaluluwa! Edi sana, namatay na lang din ako kung ganito rin lang naman ang mangyayari! Bakit pa ako nabuhay, kung wala rin lang naman sya?! Sana namatay na lang din ako! Edi sana, mag-kasama na kami ngayon! Ayaw ko ng mabuhay pa, kung  parang patay na rin naman ako dahil wala sya.

Isang linggo na rin ang nakaka-lipas ng mangyari ang Gang War at ng isugod namin sya sa hospital. Ng makita ko syang sumuka ng dugo, umiyak, mag-paalam sa akin at sabihing mahal na mahal nya ako habang nasa sasakyan palang kami papunta ng hospital ay sobrang nadurog na ako dahil sa sakit na naramdaman ko, parang biglang nanikip yung dibdib ko at hindi ako maka-hinga lalo na ng makita ko kung paano sya mahirapan at pilit na binubuksan na lamang ang kanyang mga mata at bibig para sa akin, para akong nanlamig at nanigas ng makita kong ipinipikit nya ang mga mata nya. Ang sabi ko sa sarili ko, ' Hindi, hindi nya ako iiwan. Ok lang yan, pipikit lang sya at matutulog. Magpa-pahinga sandali tapos gigising na ulit sya para sa akin. Lalaban sya at hindi magpapatalo.' pero parang iba. Iba ang pakiramdam ko ng panahong yon, parang alam ko na.

Umiiyak ako at kabadong-kabado, natatakot akong hawakan sya dahil baka masaktan ko sya o kaya naman ay natatakot akong malaman na nawala na pala sya sa akin. Ayaw ko syang mawala, hindi ko kakayanin. Nilunok ko ang lahat ng takot ko at hinawakan ang pulso nya, napa-buntong hininga ako ng maramdamang pumipintig pa ito, na hindi pa sya nawawala sa akin, na nahimatay lang sya, na lumalaban pa sya kasama ko, pero ang problema ay mahinang-mahina na ang pulso niya at muli ay binalot ako ng takot,natatakot ako. Paano kung mawala sya? Paano na ako? Kakayanin ko ba? Hindi ko kaya, baka masiraan ako ng bait! Paulit-ulit na tinatanong ko sa utak at sarili ko. Maka-sarili mang ituring pero gusto kong mabuhay sya. Ano pang silbi ko sa mundong ito kung mawawala din naman sya sa piling ko?

Empress of the Gangsters.! (COMPLETED)Where stories live. Discover now