Chapter twenty-seven

10.5K 206 3
                                    


SERENA's POV

"Anong sasabihin mo?" bigla akong napalingon ng marinig ko ang boses ni Renzo sa likuran ko.

Napatingin ako sa kanya at ngumiti upang matabunan ang aking kaba. Tumingin uli ako kay Grandma.

"Narinig mo ba ang sinabi ko ngayon lang?" mahina kong tanong. At pinapanalangin ko na sana ay hindi niya narinig ang buong pag-uusap namin ni Grandma. Hindi ako mawari sa kinatatayuan ko ngayon, paano na lang kung narinig niya ang lahat?! Ano ang sasabihin ko?

"Narinig ko lang na may sasabahin ka? Kanino ba?" Napatingin siya sa akin at kay Grandma na parang nagsususpetsya sa aming dalawa o kaya naman guni-guni ko lang ito. Buti na lamang at hindi neto narinig ang buong pinag-uusapan namin kundi hindi ko na talaga alam ang gagawin.

"Sabihin mo na lang Serena sa kanya," napatingin ako bigla kay Grandma. Ano ibig sabihin ni Grandma na sasabihin ko na ang lahat kay Renzo? Hindi pa nga nabubuo ang buong memorya ko, hindi ko pa naaalala ang lahat ng kailangan kong maalala.

"Grandma," ito lamang ang nasambit ko habang nakatingin lang sa amin si Renzo na may tanong sa kanyang mga mata habang nakangiti.

"Hindi naman magagalit si Devon kahit ibigay ko pa ang litratong ito sayo. Kung dati ay ayaw ni Devon na nakikita mo ito ngayon na siguro at malaki na kayong pareho ay maari ko na itong ibagay sa iyo," mahabang litanya ni Grandma. Napatingin ako sa inabot nitong picture sa akin. Si Renzo noong bata pa ito na nakadamit pang babae at meron pang make up sa mukha. Nakabusangot ang mukha nito at kitang kita sa mukha nitong gusto na nitong hubarin ang damit pambabae.

Medyo bumabalik sa aking isip na itinago pa ni Renzo ang litratong ito at ngayon nga ay hawak hawak na ni Grandma. Mabuti na lang at nakagawa agad si Grandma ng pananakip butas tungkol sa usapan namin.

"Sabi kasi ni Grandma magagalit ka daw sa akin kapag kukunin at itatago ko ito. Ang cute mo dito Devon, ok lang naman diba?" Napangiti ako rito ng mamula ang pisngi nito habang nakatingin sa litrato. Mas pipiliin ko munang tawagin siya sa first name niya kesa ang gamitin ang ginawa kong nickname sa kanya na "Renzo" at para din hindi niya malaman na unti-unti ng bumabalik ang memorya ko at unti-unti na rin itong nabubuo.

"Bakit gusto mo ito? Wag na, marami akong litratong iba na pwede kong ibigay sayo at maiitago mo rin kung gusto mo," ngumiti siya at lumapit sa may tenga ko. "O kung gusto mo naman pwede mong titigan ng titigan ang mukha at katawan ko for free. I'll strip just for you." Alam kong agad namula ang pisngi ko lalo na at hinipan niya pa ang tenga ko kaya nakadagdag sa kaba at bilis ng takbo ng puso ko.

Tumikhim ako at kinuha rito ang litrato sabay sinamaan siya ng tingin. Nilagay ko sa mesa ang litrato at muling humarap kay Grandma.

"Thanks Grandma, iuuwi ko na ang picture na ito at itatago ko ng maayos na hindi makukuha ni Devon," sabay tingin at irap kay Renzo.

"Its nothing, matagal ko na rin iyan tinatago. Dati hinahanap iyan ni Devon. Noong mga bata pa kayo para sunogin daw, mabuti na lamang at naitago ko." Napangiti si Grandma habang inaalala ang nakaraan.

"Ah sana makapagtatagal pa tayo rito. Mamimiss ko ang freah air, mga pananim at ikaw Grandma." Napatingin ako sa paligid. Sobrang ganda lang talaga dito sa hacienda na parang ayoko ng bumalik sa maynila na puno ng polusyon at maingay pa. Malayong malayo rito kung ikokompara ang dalawa. At dito rin sa lugar na ito bumabalik ang aking mga alaala.

"I'm sorry that we have to go back tomorrow, kailangan ko na kasing pumasok sa trabaho because I have this urgent meeting to attend. Gusto mo bang magstay na muna for one to two days dito kahit wala ako?" tanong nito sa akin. Napatingin ako sa kanya at napaisip.

Wild Chase - BOOK 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon