Chapter five

15.3K 267 10
                                    

NATE's POV

"Renzo! Renzo! Ugh," napatigil ako sandali sa naririnig ko ngunit natauhan ako. Napatakbo ako sa tabi ni Solemn habang nakaduko pa din siya at hinahawakan ang sariling ulo. Siguro sobrang sakit ang nararamdaman niya  dahil patuloy pa din ang pagdaing nito.

Mabilis kong pinulot ang remote  at pinatay iyon. Mabilis ding dumalo si Zayne sa tabi ni Solemn, ini handa nito ang pampakalma kay Solemn habang ako ay lumapit at dinantay ang ulo niya sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak para gawin ko ang pagyakap sa kanya ngunit wala na akong pakialam. I don't want her to see suffering so much.

"Renzo! Renzo!" Patuloy pa din nitong sinasabi ang pangalang ito, ang pangalan ko. Napatingin ako sa mukha niya, Napatitig ako sa mukha niya habang paulit-ulit siyang nagsasalita. I honestly don't know if its even me she's mentioning.

Hiniga ko na siya sa kama at napakalma na din siya ni Zayne. Unti-unting sumasara nag mga mata niya hanggang sa mahimbing na ang tulog.

"Why is she mentioning your name all of a sudden?" Napatingin ako kay Zayne at bumalik ang tingin ko kay Solemn.

"I don't know." Inayos ko ang pagkakakumot sa kanya at inalis ko ang buhok na tumatabing sa mukha niya. Napangiti ako sa natutulog nitong mukha, now she looks like an innocent angel and not a sadist.

Anyway what is so great about this "Renzo" name? What is so good about my name? Gusto kong malaman kung anong meron sa pangalan na ito.

"I heard about your engagement. Congrats again dude." Sinimangutan ko si Zayne at tumawa lang ang gago.

"Shut up."

"What are you planning Nate? Uuwi ka ba?" tanong nito.

"Plans eh?" I dunno, nalilito na ako ngayon.

"I dunno. Zayne alam mo namang ayoko kong matali," sagot ko.

"Ayaw matali? O naaalala mo lang siya?" napaupo ako sa couch at ganon din si Zayne.

"Maraming bagay ang nagpapaalala sa akin sa lahat ng nangyari noon. Simula sa sarili ko at ospital na ito, parati pa ding bumalik ang mga alaala. If I wasn't such a failure then she would not die and would still continue living her life." Napasubsob ako sa aking mga kamay.

"Until now Nate? Your still trap in your past. Alam mong hindi mo hawak ang buhay ng pasyente mo at ganon din ang kay Sheila. Alam kong alam mo ang sinasabi ko ngunit hindi mo lang matanggap sa sarili mo." Naramdaman ko tapik nito sa braso ko at paglakad na palayo.

"Pwede ng madischarge si Solemn diba?" Tanong ko kay Zayne bago siya lumabas ng kwarto.

"Yeah." Tuluyan na itong lumabas sa kwarto.

I know that I'm still trap from my past. Memories in my past that keep haunting me, its a reminder that I was a failure of being a doctor. Huminga ako ng malalim at nilabas ko ang phone ko.

"Hello, may ipapahanap akong tao sayo diyan sa Pilipinas. Yes, his name is Devon Lorenzo Yan. Gather all the details about his life. I need the info by next week." I turned off the phone at lumapit sa higaan ni Solemn.


"MOM CAN we just cancel this arrangement?" napabuntong hininga ako at napahawak sa sentido ko. Tatanda ako ng maaga dahil dito.

"Darling, you know we can't do that. Kilala mo naman ang Daddy mo diba?" Kausap ko ngayon si Mommy tungkol sa arrange marriage na sene-set up nila para sa akin.

"But Mom I'm still young. I'm just 28 years old for pete's sake." Kunting-konti na lang masasabunutan ko na ang sarili ko. I'm not ready for this. Sobra akong nagulat ng biglang tumawag sa akin si Dadddy at si Mommy last week saying about this plan which is now actually happening.

"No Lorenzo Nathaniel, you have to go back here in the Philippines and meet your fiancé." Seryosong saad neto dahil sa ginagamit na neto ang first name ko. "Anak this girl is beautiful, intelligent and she's also a model like you right now. You may even like her." Sometimes Mom is fabricating informations, minsan pinameet niya ako dati sa anak ng amiga niya. Mom was praising that certain girl and telling me all her good traits. Pero nong nagmeet kami, I was disappointed and now I  learned not to date girls my Mom suggested.

"Mom, you know," huminga na naman ako ng malalim ng putulin na naman niya ang pagsasalita ko.

"Nate its been what? 2 or 3 years that shes gone. Don't tell me she's still in your heart?" Napasara ako ng bibig, hindi ko alam ang sasabihin ko. Mom is right, time passed at hindi ko man lang napansin na 2 and half years na ang nakalipas mula ng mawala siya.

Siya pa din ba ang laman ng puso ko? I don't know. Hindi ko alam ang sagot sa tanong na iyan until now. But I know in myself that i'm trying to move on but still kahit na anong gawin ko naaalala ko pa din siya, paulit-ulit pa ding bumabalik sa akin ang lahat. Paulit-ulit pa ding bumabalik ang lahat ng sakit at pagsisi kung bakit wala akong nagawa.

"Sweetheart, please stop blaming yourself." Hindi pa din ako makasagot kay Mommy. Napabuntong hininga ako.

"Mom please I'm not just ready to be married and besides-" napatigil ako sa pagsasalita.

"Renzo! Saan mo ba tinago iyong remote?" Napatingin ako kay Solemn na kakalabas lang ng banyo. Hindi ko alam kung matatawa ako sa pagmumukha niya na asar na asar sa akin. Ngayon ay gumagapang ito sa lapag at hinahanap ang remote na nawawala na naman. At ako pa daw nag nagtago? Ako na naman ang napagbintangan pero, well, ako naman talaga nagtago.

"Wait, did I just heard a woman's voice?"

"Yup."

Napasinghap siya ng marinig niya ang sagot ko. Hindi makapaniwala si Mommy, sabi na nga ba.

 "Who is she, Nate?" Tanong ni Mommy.

"Mom sasabihin ko na dapat kanina sayo kaya lang pinuputol mo ang sinasabi ko. She is my girlfriend." Hindi na muling nagsalita si Mommy. 

"Mommy? Your still there?"

"Lorenzo this is your father, your Mom is speechless. Anong bang sinabi mo?" Turan ni Dad.

"I told her about my girlfriend, Dad." Inexpect ko na ang malakas nitong boses nganit isang mahinahon na boses ang narinig ko dito.

"Lorenzo our decision is final about this arrange marriage. You have still have two months to settle everything there before you meet your fiancé." Biglang tumunog ang end tone na ibig sabihin ay binabaan ako ng tawag ni Dad.

Napabuntong hininga ako at sinuklay ko ang humahaba kong buhok dahil sa asar. Talagang seryoso sila sa plano nial sa akin?

Napatingin ako sa mukha ni Solemn na naiinis na dahil hindi pa din mahanap ang nawawalang remote at ngayon ay lumapit sa akin. Mabilis niyang hinawak ang dalawang kamay sa mukha ko at pinagdidiskitahan ang dalawa kong pisngi. Inikot-ikot nito ang pisngi ko gamit ang mga kamay nito.

"Renzo, Renzo nasaan na iyong remote? Kanina ko pa hinahanap. Bigay mo na sa akin. Sige na!" Mula sa pagpapacute niya ay bigla niyang kinurot ang mukha ko ng malakas.

Sadista talag ang babaeng ito ngunit hindi ako nainis sa ginagawa niya bagkus ay mas natutuwa ako habang tinititigan ang cute niyang pagmumukha. Tinaas ko din ang kamay ko at kinurot ang malalambot niyang mga pisngi.

"Ang cute mo na e, sadista ka lang." Sumimangot siya kaya inabot ko na lang ang remote na tinago ko sa ilalim ng unan. Ngayon na lang ulit siya nanood ng telebisyon dahil sa nangyari sa kanya noong nakaraang araw.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nanonood siya ng telebisyon, ngayon ay wala na siyang reaksyon kalutald noong nakaraan. Iniisip ko kung ano bang nakita niya na naging ganoon ang rekasyon niya.

Maya-maya ay may mga pumasok na nurse kaya bigla siyang napatingin sa nurse na ngayon ay may dala-dalang mga gamit niya na nilapag sa lamesa.

"Bakit nakahanda na ang mga gamit ko?" Lumingon ako kay Solemn na ngayon ay hinahanda na ng mga nurse.

"Aalis na tayo dito." Ngumiti ako sa kanya at makikita ang pagliwanag ng mukha niya dahil sa sinabi ko.

Wild Chase - BOOK 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon