Chapter twenty-three

12.1K 213 9
                                    



SERENA's POV



"Ayaw." sabay iling ko at unti-unting umatras palayo sa kanya at sa katabi niyang kabayo ngayon.

"No, you must ride him." umatras pa ako ngunit mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.

"Ayoko nga," pinilit kong tinanggal ang kamay ni Devon sa pagkakahawak sa akin at nagtagumpay naman ako. Mabilis akong tumalikod at tatakbo na sana ngunit mas mabilis niya akong nahuli sa bewang , nakapulupot ang mga braso niya sa akin. Humigit ang hininga ko ng maramdaman ko ang lalong paghigpit ng mga braso niya sa bewang ko at pansin kong wala talaga siyang planong lumabayan ako sa kabayong gusto niyang sakyan ko.

Pangalawang araw na namin dito sa hacienda ni Grandma ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita si Grandma. Sabi ni Devon bukas pa daw darating si Grandma galing London kaya bukas ko pa siya makikita. Maraming kaming ginawa kahapon, pagkarating na pagkarating namin ay may nakahanda na agad na mga pagkain na puro hindi ko alam dahil dito lang daw ito sa probinsya, secret menu kumbaga.

Sabi nga sa akin ni Devon na lahat daw ng mga pagkaing nakahanda kahapon ay puro paborito ko. Gaano ba ako kasiba kumain dati? Grabe, ngayon napapaisip na ako kung gaano ako kalakas kumain dati. Sumunod doon ay inilibot ako ni Devon sa buong mansyon at pinuntahan namin ang lahat ng mga gusto kong lugar sa loob ng mansyon.

Simula sa library na parati ko daw tinatambayan para magbasa ng mga libro, attic na dati pala naming pinagtataguan kung pinapagalitan kami ni Grandma, at sa garden kung saan parati naming sinasamahan si Grandma daw dati, doon ko rin daw minsan gustong magbasa.


Lahat ng ito ay si Devon ang nagsabi sa akin, hindi ko akalaing kilang-kilala niya ako mula sa pagkaing gusto ko, sa mga librong gustong-gusto ko na basahin, sa mga ayaw kong gawin at sa kung ano anong pang bagay na hindi ko pa rin maalala tungkol sa sarili ko. Tagalang magkababata kami.

"Hey, your mind roam too much, my dear wife," napalunok ako ng maramdaman ko ang hininga niya sa may tenga ko, hindi ko alam kung saan ko iisog ang ulo ko dahil sa ramdam na ramdam ko pa din ang higpit ng mga braso niya na nasa tiyan ko at ang mukha niyang ang lapit na lapit sa akin.

Hindi ko mapigilan ang kung ano itong kakaibang nararamdaman ko ngayon sa sobrang lapit namin. Parating ganito ang nararamdam ko sa tuwing malapit siya sa akin.

"And your mind is wandering again. Ayaw mo ba talagang sumakay kay Fanthom? Sabi pa naman ni Fanthom na matagal na daw kayong hindi nagkita. Miss ka na daw niya." Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang sinabi niya. Nilingon ko ang kawawang kabayo at muling bumalik ang tingin kay Devon na nagpapaawa ang mukha ngayon.

"Kelan pa nakakapagsalita ang isang kabayo?" tanong ko sa kanya na ngayon ay nakangiti na ang mukha. Ano ito, strategy para mapasakay ako kay Fanthom? At ano madadala naman ako sa pamatay niyang ngiti?

"Ngayon lang dahil miss na miss ka niya niya sa kanyang likuran." Bigla ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa sinabi niya. 

"Alam kong natatakot ka lang sakyan si Fanthom mag-isa at alam kong hindi pa rin natatanggal iyang takot mo hanggang ngayon. That's why I am riding him with you so you don't have to worry too much and just enjoy the whole ride. Okay?" and again pinakita na naman nito ang pamatay nitong ngiti. Ano pa ba ang pwede kong gawin kundi ang tumango. Bwisit na ngiti iyan, nakakahipotismo.


"Alam mong takot akong sumakay kay Fanthom?" tanong ko sa kanya habang inaalalayan niya akong makasakay kay Fanthom. Gusto ko naman si Fanthom dahil ang amo niya kaya lang natatakot akong sakyan dahil baka mapano ako.


"Alam kong gustong-gusto mo si Fanthom kaya lang hanggang hawak ka lang at ayaw mo siyang sakyan kung ikaw lang mag-isa. Ganyan ka dati but then pumamayag kang sumakay dati kay Fathom pag kasama mo ako. Iyan din ang dahilan kung bakit hindi ka marunong mangabayo," pagkasabi na pagkasabi niya ay agad din naman niyang kinuha ang dalawa kong kamay at pinulupot sa bewang ko. Ngayon ay dikit na dikit na naman ako sa kanya.


"Kilang-kilala mo talaga ako." mahina kong sabi. Ramdam na ramdam ko ang flat nitong tiyan, well ramdam ko ang abs nito dahil nga sa suot nitong nagmukha itong isang cowboy na bagy na bagay naman rito.

"I know everything about you. Higpitan mo lang paghawak mo sa akin at wag kang bumitaw. Just relax and enjoy the ride. Trust me when I say that you'll like this very much," pagkasabi niya ay umarangkada na nga si Fanthom. Siguro naramdaman niya ang panginginig ng kamay ko kaya sinabi niya ito sa akin.

Huminga ako ng malalim at napakapit kay Devon habang nakasubsob ang mukha ko sa likuran niya. Medyo natatakot akong ibuka ang mga mata ko dahil pakiramdam ko mahuhulog ako ano mang oras.

"Open your eyes Serena, you'll miss the view," unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at tumingin sa paligid. Humigit ang hininga ko ng makita ko ang ilang kabayong malayang tumatakbo at ang lahat ng mga ito ay puro magagandang lahi ng kabayo. Huminga ako ng malalim at nilanghap ang sariwang hangin na tumatama sa aking mukha.

Sinara ko ang aking mga mata at muling sinamyo ang sariwang hangin. Ngayon alam ko sa sariling kong hindi ko pagsisisihan ang pagsama ko kay Devon ngayon. Tama nga siya, maeenjoy ko ang lahat ng makikita ko ngayon. Napatingin ako sa mga lumilipad na ibon, ngayon tuloy para rin kaming lumilipad na ibon.


"Look Serena," napatingin ako sa tinitignan nito ngayon lang. And again he never fails to make me amazed. Ni hindi ko man lang maikurap ang mga mata ko ngayon habang nakatingin sa buong paligid. Nandito kami ngayon sa itaas ng bundok at kitang kita ang lahat ng nagyayari sa baba.

"Ang ganda," ngumiti ako kay Devon na nakatingin din pala sa akin.

"Yeah, beautiful indeed," at ito na naman ang kakaibang nararamdaman ko. Sa sobrang kakaiba ng nararamdamn ko ngayon ay hindi ko na maialis ang pagtitig ko sa kay Devon.


Ano bang nangyayari sa akin? Ano itong kakaiba kong nararamdaman? May sakit ata ako. Tama may sakit nga ako. Sa puso.

Wild Chase - BOOK 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon