17.5

605 12 4
                                    

I did this for Love

17.5 

" Bakit mo ginawa yun?" nagulat ako pagkalabas na pagkalabas ko ng classroom may humigit sa braso ko..

*tug.dug.Tug.dug*

" H-ha?" yun na lang yung nasabi ko..

 " Sabi ko Bakit? Bakit mo ginawa yun? Ako ba yung tinutukoy mo?" tanong niya sakin..

Expected ko ng ganito yung reaksyon niya, kaya handa na ko sa galit o inis niya.. 

let's look at the brighter side na lang.. At least.. Di ba ngayon may ibang reaksyon na siya.. hindi na yung parang walang pakelam sakin..

" O-oo Ikaw yung tinutukoy ko dun.." kahit handa na ko sa galit niya.. kinakabahan parin  ako.

" palabas lang ba lahat yun?"

" Palabas? Hindi Palabas lahat ng yun. Totoo yun Alec.. totoo yun.. gusto ko maibalik ka sa dating Alec na nawala dahil napaka-selfish ko."

"  Jai Ito na ko.. Hindi mo na maibabalik sa dati.. At tsaka Akala ko ba may boyfriend ka na? Akala ko ba may iba ka na.. eh bakit mo pa ginagawa to? Ano to Jai Lokohan? " Ang harsh niya na magsalita.. Pero hindi, wag kang papaapekto Jai.. Kayang-kaya mo yan

" Hindi ko Boyfriend si Alex , Kaibigan ko lang siya.. Kung tinatanong mo kung bakit ko ginawa yun, hindi ako nakikipaglokohan.. Hindi kita linoloko. Totoo lahat yun.. Alam ko mahihirapan akong maibalik kita sa dating ikaw.. pero tandaan mo to Alec, hindi kita susukuan..  "

" Hindi ba matagal mo na kong sinukuan? Matagal mo na kong tinaboy.. Kaya bakit pa Jai.."

Bogsh.. Tama siya.. Tinaboy ko siya.. Tinulak palyo and then all of the sudden eto ko.. Gagawa ng paraan para mapalapit sa kanya..

" Oo, alam ko nagawa ko yun.. tinaboy kita.. pero natakot kasi ko nun.. natakot na masaktan.. Natatakot akong magkasakitan tayo.."

" Bakit Jai? Nung iniwan mo ko.. hindi pa ba tayo nagkasakitan nun?  Tama na Jai.. Hindi ko alam kung anong exactly ang dahilan mo pero.. Tama na , Kasi ngayon palang sinasabi ko sayo, hindi ka magtatagumpay.."

Naglakad siya palayo..

" Ginagawa ko to kasi... Kasi MAHAL KITA!" Sigaw ko dahilan para huminto siya..

alam ko ngayon ko lang nasabi to sa kanya.. kaya wala akong karapatang umasang mahal niya parin ako..

" sana sinabi mo na sakin yan noon... Nagbago na lahat Jai.. Hindi na ko katulad ng dating Alec na mahal ka.. Yung dating Alec na gagawin ang lahat kahit magmukhang tanga mahalin mo lang ako.. Hindi na ko yun Jai.. " sabi niya ng hindi lumilingon

" Alam ko.. Kaya nga nandito ako para ayusin ang lahat.." mangiyak-ngiyak na ko.. alam ko unti na lang tutulo na to..

" Maayos? paanong maayos? Kung iniisip mong mamahalin kita uli. Nagkakamali ka.. Hindi nakita mahal Jai.. Hindi na.. "

Ansakit..

Ansakit.. 

Tuloy-tuloy na tumulo yung luha ko..

" Wala ng kwenta ngayon kung mahal mo ko.. ksi hindi na kita mahal.."

aray.. Inulit pa.. Halos hindi na nga ko makahinga dito..

" Hindi ako Susuko Alec.. Eh ano ngayon kung hindi mo na ko Mahal.. Gagawa ako ng paraan para mahalin mo ulit ako.. Kahit magmukha akong tanga.. kahit saktan mo ko, ipagtabuyan gaya ng ginawa ko sayo.. gagawin ko yun.. gagawin ko yun mapatunayan ko lang kung gaano kita kamahal.." ewan ko kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para masabi to sa kanya pero wala akong pakeelam..

I won't give up on US [ Jalec Fanfiction ] Completed!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora