15

674 14 3
                                    

Everything Change

15

“ Kasalanan mo kung bakit kami nagbreak.. Kasalanan mo!” Nasa Cafeteria kami nun nung lumapit sakin yung babaeng maldita na girlfriend ni Ahh.. AhhLLEee.. Ahh basta.

Umagang-umaga naghahanap siya ng away. Walang duda certified iskandalosa. Lahat ng tao nakatingin sa amin.. Buti na lang may katapat siya ngayon, kasama ko kasi si Karen kaya may panlaban ako sa mala-machine gun niyang boses.

“ Hoy babaeng desperada! Wag ang kaibigan ko ang sisihin mo kung bakit iniwan ka ni Alec.. Sisihin mo yang panget mong mukha at yang panget mong ugali..” Oh di ba? HATAW!

“ Anong sabi mo? ako Panget?”

“ Oo PANGET! UGLY! Tanggalin mo lang yang make-up mo magmumukha ka ng bulldog eh. Tssh. Hindi ako makapaniwalang ampanget na pala ngayon ng taste ni Alec.. Ay oo nga pala, mahalig nga pala siya sa aso.. No wonder ikaw ang napili niyang pet este Girlfriend “

Halos mabuga ko na yung iniinom ko kasi hindi ko mapigilang hindi matawa kay Karen..

“ Aba! “ galit na galit na yung babaeng Bulldog

Sasabunutan niya na sana si Karen ng itinulak ko siya.Hindi naman pwedeng tumunganga lang ako dito..

“ Kung kating-kati ka ng makipag-away wag tayo dito. Ibang klase ka talaga no?, gustong-gusto mo yung nakikita ng maraming tao, gustong-gusto mong nagiging bida ka.. tssh Iskandalosa ka talaga..” sabi ko sa kanya..

“ Yan That’s my girl! Lumalaban..” Karen

Nagulat ako ng pumalakpak si Karen.. pero mas nagulat ako nung pumalakpak din yung mga tao sa Cafeteria..

Kitang-kita ko yung banas sa mukha niya.. hindi ko alam yung maawa ba ko o matatawa sa itsura niya. Umay dre. HAHAHA. Ang bad ko.

“ Tandaan mo to! Hindi pa tayo tapos.” Sabi niya sakin..

“ Grabe.. Nakakatakot..” sarkastikong sabi ko.

Tuwang-tuwa si Karen dahil sa ginawa ko.. Ako naman hindi makapaniwalang ginawa ko yun pero at the same time tuwang-tuwa din ako sa thought na BREAK NA SILA! Opss wag mag-isip ng iba. At least diba? hindi na Bulldog yung girlfriend niya, yun lang yun.. Concern lang

[Yun lang ba talga?]

yun lang talaga {wehhh?}

leshe pati konsensya ko di na naniniwala sakin -___-

Oo na. Umaasa parin ako na maibabalik ko yung dati.. Umaasa parin ako.

--

Maaga yung uwian ko kaya nauna na kong umuwi kay Joj.

Habang naglalakad ako sa hallway.. may nahagip na naman yung peste kong mata. Bwisit nanadya talaga si tadhana. Akala ko Masaya na ko.. akala ko okay na lahat. Yun pala hindi pa, parang pinaramdam lang sakin yung unting saya tapos nun mahaba-habang sakit na naman..

Nakakatawa.. nakakatwang isipin na ganun kabilis.. ambilis niyang magpalit ng Girlfriend. Kakabreak lang nila ni Bulldog tapos ngayon may iba na naman.. parang hindi ko na kilala yung lalaking nakikita ko.. Parang iba na siya kesa noon..

“ Kasalanan mo kung bakit siya ganyan ngayon” nagulat ako sa nagsalita..

Si Clodet pala..

“ Huh? Kasalanan ko?” tanong ko sa kanya.

“ Kung inaakala mo katulad parin siya ng dati. Mali ka.”

Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.

I won't give up on US [ Jalec Fanfiction ] Completed!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz