7

812 18 2
                                    

Selos. 

Jai's POV.

Andito ko ngayon sa school.. todo iwas.. todo tago.. Tshh teka? Bakit nga ba? Sinong bang pinagtataguan ko? MERON BA? MERON NGA BA! 

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAhhh!

Paulit-ulit kong pinupokpok yung ulo ko..

JYRA, WHAT IS HAPPENING TO YOU! BALIW KA NA!

" Jai.. YU HOOO! gising-gising.." Inuga-uga ako ni Vince bago ko tuluyang bumalik sa mundo -___-

Awee.. Si Vince lang pala.. Sino si Vince? isa sa kauri ko.. NERD din! Vibes kami neto.. Tropa namin ni Karen

" Ano ba nangyayari sayo? Lately parang takot ka sa tao ha, tulala at wala sa sarili ? Ano meron? Nagaadik ka ba?" tanong niya sakin.

" Ha? Wala.. wala. hindi noh.." umiling-iling ako..

 OO umiiwas ako, nagtatago.! wala lang ayaw ko lang siyang makita.. Alam niyo na na kung sinong siya. ewan.. nabubuang kasi ko pagnaalala ko lahat. Parang iba. Parang pagkaharap ko siya, nagiiba ko..

Ay gulo.. Alam ko namang wala talagang nararamdaman yung hinayupak na yun sakin eh.. wala lang talaga siyang magawa o mapagtripan kaya niya ginagawa yun.. HAY >.< Pinipilit kong itatak sa isipan ko yan, pero imbis na makampante ako parang merong kakaibang sakit akong nararamdaman.. Kung anuman yun.. Sigurado akong AYOKO ANG MAGIGING KALALABASAN PAGNAPATULOY PA YUN.

kaya iwas-iwas din.. Kasi sa nakikita ko IMPOSIBLENG totoo yung mga pinapakita niya...

Naglalakad kami ni Vince nun papuntang Cafeteria ng may mahagip akong hindi kanais-nais..

*TUG.DUG.TUG.DUG*

Hinatak ko si Vince papunta sa ibang direksyon.. 

" Oh kala ko ba kakain ka?" tanong niya sakin

" Ha? Hindi na pala.. busog pa pala ko.. Tara dali.. Bilisan mo may naiwan pala ko sa locker.."

Naglakad ako ng mabilis habang hawak ko sa kamay si Vince at kinakaladkad..

Lumingon ako sa likod.. 

*tug.dug.tug.dug*

lalong bumilis yung tibok ng puso ko, hindi dahil sumusunod siya sa amin kundi dahil sa mga tingin 'niya' habang naglalakad kami palayo ni Vince..

Ngayon ko lang yun nakita.. KAKAIBA!>.<

NApahinto ako.. at napabitiw sa kamay ni Vince..

" Oh Jai? saan ba talaga tayo pupunta.."

hindi ko siya sinagot..

Tinuon ko na lang yung tingin ko kay Alec, nakakaiba talaga yung tingin sa amin..

mga ilang segundo, iniwas niya yung tingin niya at naglakad palayo... 

alam ko dapat masaya ko kasi hindi niya ko sinundan pero bakit parang ...

bastaaa ewan. 

---

Naging busy si Karen ng ilang araw, dahil sa myembro siya ng pep squad namin kaya minsan ko na lang din siya nakakasama. Madalas si Vince na lang.. Namimiss ko na nga yun eh.. 

Hay,, si Karen lang ba talaga namimiss mo?

OO SI KAREN LANG! WALA NA KONG NAMIMISS NA IBA PAAA! >.< .

HINDI KO NAMIMISS YUNG ALEC NA YUN! ASA SIYA! akala niya.. iiwas ako sa kanya.. FOREVER AND EVER! Magsama sila ni Myrtle.. Selos? Yuck eww. Never.. 

I won't give up on US [ Jalec Fanfiction ] Completed!Where stories live. Discover now