9

782 14 4
                                    

The Pain in Good Bye

Jai's POV

Dito muna namin pinatuloy ni Joj si Mama.

Nastress na siguro siya sa bahay..

Hay.. Ayoko na sana pumasok.. Parang gusto ko na ngang bumalik ng probinsya at doon na lang mag-aral eh kaso sayang pagnagdrop pa ko.

" Jai bakit di ka pa nagbibihis?" tanong sakin ni Mama.

" Di po muna ko papasok.."

" Bakit naman? Anak pumasok ka."

" baka po kasi .."

" okay na ko. Pumasok ka na. sige na. sabay ka na kay Joj."

oo, totoo.. ayaw kong pumasok pero di lang dahil nag-aalala ko para kay Mama kundi pati na rin sa taong ayaw kong makita..

Inaagapan ko lang. Bago pa mahuli ang lahat. kung baga iilag na ko sa bala bago pa iputok yung baril. Magulo ba? Okay ito . I explain further...

Di na ko magdedeny.. Oo. Unting push na lang maiinlove na ko sa hinayupak na yun. Kaya bago mangyari yun kailangan ko ng umiwas.

" Ma. Di na ko papasok.." Pilit ko kay mama.

" Hindi! sa ayaw at gusto mo papasok ka.."

" naman eh.." Tinulak niya ko papasok ng banyo..

Ayan. Bumabalik na yung ngiti ni mama.. 

HAy. Ang gaan sa pakiramdam..

" uy Jyra.. wag mo kong titigan. Hala sige maligo ka na.. Malalate na si Joj sayo.."

" Mama. mauna na ko sa kanya. May Quiz pa ko." Sigaw ni joj na papalabas na ng pintuan.

" Hala sige. mauna ka na nga. Pasaway tong kapatid mo, kanino ka ba natuto magbulakbol..?"

Ayun, waley din akong nagawa.. Pinapasok na ko ng School. Naalala ko tuloy nung gradeschool pa lang ako, yung sapilitang ligo, sapilitang pagpapasok sakin ni Mama sa School.. Kakamiss.

Psh. Ayaw ko talagang pumasok.. Tsh.pero siguro kailangan ko ng pumasok 3 araw n kong di nakapasok dahil kinailangan naming bantayan si mama sa ospital.

Dun na ko sa ibang gate dumaan kasi... Alam niyo na.. Back to my hobby na naman. Ang pag-iwas. 

Pag-pasok ko sa gate, kampanteng kampante akong naglalakad kaso wrong move ata..

napaatras ako.. Nakita ko kasi si Alec.. Papunta sa may direksyon ko may kasama siyang babae.. Parang super close nila.. Naka-akbay pa siya rito..

Napakunot yung noo ko.

naglakad ako papuntang ibang direksyon. Kahit lumayo ako sa building kung saan ang klase ko okay lang.. wag ko lang siyang makasalubong..

Good Thing mukhang di naman niya ko nakita..

Napasulyap ako sa kanila.. Kita niyo na? siguro parehas lang din yung ginagawa niya sakin sa ginagawa niya sa ibang babae..

*tugsh* Sound effect yan kasi parang may sumaksak na kung ano sa puso ko.. Hindi ko alam kung ano.. pero feeling ko pati mata ko sumasakit na.. Feeling ko may pumapatak na kung ako.. Ang galing magka-konekta pala sila? Tssh

Tumayo ako at pinahid yung luha ko.. ' Hindi wala lang yun Jai. walang kakaibang nangyayare sayo.. wala lang yun.. ' paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko yan..

Tamang-tama lang yung desisyon kong pag-iwas sa kanya. Tama lang to.. Tama lang..

---

Pauwi na ko ng bahay..

I won't give up on US [ Jalec Fanfiction ] Completed!Where stories live. Discover now