30

468 10 4
                                    

30.

Alec's POV

" Mahal na mahal kita Jai.. Walang sukuan ha. Kasi ako..  I won't ever.. Ever Give up on you... On Us.."

Tinignan niya ko sa mga mata, Kitang kita ko dun yung pagmamahal.

Sobra kong mahal si Jai. Sobra, sobra.

Hindi niya alam kung gaano ako katakot na mawala siya.

Nung mabalitaan ko yung nangyare kay Alex.. Nung mabalitaan kong niligtas niya si Jai. Thankful ako nun pero at the same time natatakot din ako.

Oo, alam ko mahal ako ni Jai. Mahal niya ko pero iba pa rin yun eh. Sh*t alam ko I’m just being paranoid pero hindi ko talaga mapigilang isipin na baka dahil dun sa ginawa niya magbago yung isip ni Jai, baka dahil doon sa ginawa niya mahulog ang loob ni Jai para sa kanya.

Nakatulog siya sa braso ko. Nakahiga kami ngayon sa damuhan.

Alam ko pagod siya. Pagod siya sa pag-aalaga kay Alex. Isipin ko palang yung parang nasasaktan na ko. Madamot na kung madamot. Alam ko sobrang irrational ko na at wala sa lugar pero..

Gusto ko akin lang siya. Akin lang.. It may sound creepy pero yun  yun eh. I can’t afford to lose her again. Kaya ko din namang gawin yun para sa kanya ang kaso si Alex lang ang nandoon para sa kanya. I can be her Knight-in-shining-armor. Kaya ko siyang protektahan…

Ugh. Ang kitid ng utak mo Alec. Ugh. Ayoko ng ganito.Dapat nga thankful pa ko at dahil sa kanya hindi napahamak si Jai. Malaking utang na loob ko sa kanya kaya dapat hindi ko maramdaman to.

Ang himbing ng tulog niya.. sana ganito na lang kami palagi.

“ Hmmm..” umihip yung malakas na hangin..

Inakap ko siya ng mahigpit para hindi siya gaanong lamigin.

Ang bango niya as always. Yung buhok niyang strawberry-scented.. yung malambot niyang pisngi. Hindi siya perpekto pero para sakin siya lang ang babaeng mamahalin ko ng ganito at wala ng iba pa.

Gustuhin ko mang ganito kami habang buhay kaso hindi pwede eh.

nagring yung phone niya.

Si Karen pala.

Tulog mantika talaga tong isang to.. Hindi parin nagigising.

Sinagot ko yung tawag.

**“ Jai.. Asan ka na ba? Hinahanap ka na ni Alex.”**

I won't give up on US [ Jalec Fanfiction ] Completed!Where stories live. Discover now