Chapter 7

407K 8.8K 520
                                    

The Enigmatic Mafia Prince 7 

"OMG! Kade I missed you" Dinamba agad akong yakap ni Mythe nang makarating ako sa school.

Inis ko siyang tinulak ng mahina "Saan kaba nagsusuot babae ka ha? Tatlong araw kang nawala?" Umirap lang ako sa kanya habang patuloy siya sa pagsasalita tungkol sa mga naganap noong nakaraan pang araw.

Napatingin ako sa di kalayuan at nakita ko na naman si Dwight na dumaan, as usual nakapamulsa at nakasout ito ng shades.Tumigil siya saglit pero hindi siya lumingon sa akin tiyaka siya nagpatuloy sa paglalakad.

Anong pinaplano mo Dwight? Bakit mo ako pinabalik ulit? Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko ngunit hindi ko alam ang sagot.

He is so mysterious. Kahit anong pagbasa ko sa mukha niya o sa mga galaw niya ay hindi ko magawa.

"Teka nasaan ang board mo?" Napatigil ako sa pagtitig kay Dwight at napabalik ang tingin kay Mythe.

"Iniwan ko" Tanging sagot. 'Yung board ko hindi na magagamit dahil butas, tapos wala na akong kotse at kinakailangan pa talagang mag-bus ako papunta rito.

Mabilis natapos ang morning class ko at lunch na, maglalakad na sana ako papunta sa cafeteria nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Sed~

Kade may Drag Race ngayong gabi sa phoenix kung gusto mong magkakotse sumali ka pero ang problema wala kang kotse hahaha :D Hinding hindi ko ipapahiram ang kotse ko.

Natawa na lamang ako sa text ni Sed. Gago to, sinabi sa akin na sumali pero hindi ako papahiramin ng kotse.

Napakamot nalang ako sa ulo ko nang maalala ko kung gaano ko ka kailangan na magkaka kotse. Inisip ko palang ang pamasahe baka hindi na kasya sa budget ko.

Naglakad na ako ulit pabalik sa klase nang mapansin kong biglang tumahimik ang paligid, tinignan ko ang hallway at napansin ko na biglang nawala ang mga estudyante kanina na magulo. Mabilis kong inilibot ang tingin ko at naalala ko na hindi pa tumutunog ang bell.

Mabilis akong tumngin sa likod ko nang mapansin ko ang presensiya ng isang tao at napangisi. Tama nga ang hinala ko.

"Wow" Nakangiti kong sabi habang nakatingin kay Dwight na nakasandal sa poste habang nakapamulsa.

Kahit anong titig ko sa mukha niya ay wala parin akong nakikitang emosyon dito.

Magsasalita pa sana ako ngunit hindi ko naituloy nang bigla siyang may hinugot sa likod ng pantalon niya. Mabilis akong umiwas at tumama ang dagger sa pader at bumaon ito.

"Are you going to kill me here?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Why not" Walang buhay na sagot niya at humakbang papalapit sa akin. Mabilis akong nagtago sa poste na nasa gilid ko.

Sisilip ulit sana ako sa kanya ngunit biglang nanlaki ang mata ko ng pagsilip ko ay kaharap ko na siya.

Sobrang bilis ng pangyayari dahil mabilis niyang pinilipit ang braso ko dahilan para matumba ako.

"Shit Aww" Nakangiwi kOng daing.

"Madudumihan damit ko" Reklmao ko nang maalala ko na puti pala ang sout kong damit.

Mas lalo akong napamura ng hinigit niya ang buhok ko.

"Fuck 'yung bangs ko, dude" Daing ko. Pero mas lalo niya pa itong hinila. Nararamdaman kong lumapit ang bibig niya sa tenga ko dahil ramdam ko ang hininga niya. Ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko sa ginawa niya

"I'll kill you" Mahina niyang sabi sa tenga ko. Mariin akong napapikit sa sinabi niya bago muling dumilat at mabilis sinipa ang tuhod niya dahilan para mapatagilid siya at agad kong inupuan ang tiyan niya at ngumisi.

The Enigmatic Mafia PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon