Chapter 12 Prom night Part 2

1.3K 26 9
                                    

Chapter 12 Prom Night Part 2

Stacy POV

                Naging maganda ang gabi nila Markus and Stacy dahil sa sila ang magkadate ng gabing iyon..nahahalata ni Stacy na laging nakatingin sa kanila si Vincent na masa ang tingin kay markus.

“gusto mo na ba ng maiinom” sabi ni markus habang nakadantay ang kamay sa mesa at nakatingin sa akin..

“sure” sabi ko namn

Kumuha ito ng maiinom naming dalawa tsaka umupo sa tabi ko…

Nagsimula na ang prom nila may mga nagsayawan, inaya ako ni markus mag sayaw sa dance floor…

Habang nagsasayaw kami hindi ako makatitig sa kanya ng matino paano ba namn kasi nakatitig din siya sa akin, hindi ko alam ang gagawin ko parang gustong tumalon ng puso ko palabas. Kumakabog ito..

“ang ganda mo talga” banggit ni markus…

Para akong nabingi sa sinabi nya…tama ba pagkakarinig ko maganda ako..ilang beses na nyang sinabi yun…nabilang nyo ba..MAGANDA ako…

“bolero ka talga” sabi ko

“tama namn ah, tignan mo ang daming naiinggit sa akin, pati na yung ultimate crush mo kanina pa tayo tinitignan, kulang nalang sugurin ako at suntukin.”

Tumingin ako sa gawi nila Vincent at tama nga ito nakatingin nga sa amin..

“wag mo nalng tignan, baka mapaaway ka pa dito”

“bakit namn ako mapapaaway”

“dahil sa kakatitig mo sa akin….aawayin na kita.”

Tumawa kami pareho na medyo napalakas ata at nagtinginan ang lahat sa amin..

“Stacy……” nagsalita si Markus pero hindi niya natapos dahil lumapit sa amin si Vincent

Hindi ko talga napansin ang paglapit nya

 “hello Stacy”

“ pwede ko bang maisayaw si Stacy” tanong ni Vincent kay Markus…

Tumingin muna si markus sa akin…tumango namn ako

“sure pare”… tsaka upo si markus sa table namin…

Vincent POV

                “naku Vincent papatalo ka ba jan sa ungas na yan, dahil sa kanya parang wala ka ng pag asang sagutin pa ni Stacy” sabi ng kaibigan ko sa akin..

“tumigil nga kayo,” sigaw kong sabi sa kanila.

Yan ba ang pinalit mo stacy, siya na ba ngayun ang bago mo

Alam ko nakatingin silang dalawa sa akin, na para bang pinag uusapan nila ako..

Hindi ako nakatiis lumapit ako sa kanilang dalawa…

“pwede ko bang maisayaw si Stacy” tanong ko sa lalaking kasama nya

Tumingin namn siya kay Stacy

“sure pare” sabi ni markus sa akin

Wag mo akong ma pare pare….

Habang nagsasayaw kami ni Stacy hindi siya makatingin sa akin ng diretso..

“ang ganda mo today stacy ahh” yun lang ang nasabi ko

“Salamat Vincent, ikaw rin namn ang gwapo mo ngayung gabi, sino ang date mo ngayun, siguro si Pamela noh” tanong nya sa akin

THE BOY NEXT DOOR Series 1 Xian Lim Where stories live. Discover now