Chapter 1

3.8K 42 14
                                    

 

Chapter 1

            Nakadunghaw sa may bintana si Stacy habang nakatingin sa di kalayuan, biglang dumating ang kaibigan niya si abby. “oh bestfriend tulala ka na namn, unang araw palang dito sa school parang di na maipinta yang pag mumukha mo ahh.. may problema ka ba, di mo pa ba nakikita si Vincent mondragon mo?”

“luka hindi noh, tsaka alam kung late na namn yung lalaking yun, sanay na ako sa kanya” paliwanag nito..

“wow stacy, boyfriend mo lang si Vincent?? Kung makaasta ka parang shota mo ehh.”

“eh paano, simula first year kilala ko na siya, di man niya maramdaman ang pagmamahal ko at least ako, mahal na mahal ko siya.”

“ayun oh, lakas talaga ng tama mo jan kay Vincent, di ka namn makalapit, sa dinami dami ng babaeng umaaligid jan ikaw nag di maka score, stacy 4th year na tayo, bakit di mo pa sabihin na may gusto ka sa taong yun para di ka nagmumukhang tanga kakahintay na mahalin ka.”

            “ok na ako sa ganito bestfriend, kahit malayo ako sa kanya sinisinta ko pa rin si Vincent…” ngumiti ito at kilig na kilig.

“ay naku iwan ko sayo bestfriend…tara nga baka mahuli pa tayo sa class natin, naku first day pa namn gusto kung maupo sa  likod noh..” takbo si abby palayo.. di namn kasi sila parehas ng class ni stacy.

            Dumaan muna si Stacy sa locker niya para kunin ang mga libro nito.. pag sarado niya ng pinto ng locker biglang may bumundol sa kanyang isang lalaki.

            “naku pasensya ka na miss, nagmamadali kasi ako” tumakbo ito palayo.

“gago yun ahh, di man lang ako tinulungan, humanda ka sa akin pag nakita kita..” dali dali nitong pinulot ang mga libro ng marinig niya ang warning bill. Tumakbo ito papasok ng classroom ng bigla nyang nakita yung lalaking bumundol sa kanya. Tinignan lang nya ito.

“So nandito pala itong lalaking ito, ako nga pala yung nabundol mo kanina sa hallway.” Inirapan niya

“naku pasensya ka na talga kanina miss nagmamadali kasi ako, bagong lipat lang kasi kami dito bagong transfer namn ako,”

“ahh ganon ba…ok pagbibigyan kita..” tsaka nya ito tinalikuran at hindi na kinausap.

Pag katapos ng class nila dumiritso siya sa cafeteria para hanapin si Abby.

“oh nandito ka na pala stacy, ano yung nabilitaan ko first class may inaway ka?”

“grabe ka namn bestfriend subrang bilis namn ng messenger mo..”

“naku bestfriend, hindi ma lag ang Wifi ko noh”  pabiro nyang sabi.. natwanan silang dalawa…

“eh paano kanina binundol ako ng lalaking iyon..nakakaasar..” paliwanag nito

“gwapo ba, matangkad? Matalino,? Kasing kisig ba ng kuya mo?” daming tanong ni abby..

“naku abby, walang wala siya sa kuya ko, tsaka hello, hindi ko siya type.”

“napaka defensive mo namn masyado nyan bestfriend… ano ba pangalan ng lalaking iyon..” tanong ni abby..

“naku hindi ko alam at wala akong balak malaman.”

Tumawa lang si abby sa pinagkikilos ni stacy..

“stacy si Vincent oh”

“nasan nasan siya…nasaan ka irog ko…” anito

“stacy ang badoy badoy mo talaga…makaluma na yang Irog..”

“eh trip ko nga ehh..basta siya ang iniirog ko..wala ng iba….mahal kita Vincent..” bulong nito..

May biglang sumingit sa usapan nila ang mga Kontrabida sa school nila..

“hi Stacy Santos kamusta ang kuya franco mo..paki sabi miss na miss ko na siya ah.” sabi ng isang babae pagkatapos umalis din agad.

“stacy pigilan mo ako, matagal na ako nag titimpi jan sa babaeng yan..akala mo kagandahan..hello mas maganda ako..tsaka ako ang mahal ni Franco hindi ikaw.” Galit na sabi ni abby…

“relax ka lang abby..wag mo na patulan yang babaeng yan.. matagal ng may gusto yan kay kuya kaya nagpapa flirt na namn.”

“ah basta akin lang siya..”

“oo na sayo na si kuya..” tawanan silang dalawa….

Pag katapos nilang kumain ay dumaan muna si stacy sa may library kukuha lang ng libro na babasahin, nang Makita niya ang gusto nyang basahin hindi nya ito maabot..pero biglang may isang kamay na kumuha nito..

“salamat” banggit nito..tumalikod agad ang lalaki…

“wait lang..” tumigil ito sa paglalakad

“ano nga pala ang pangalan mo?” tanong ni Stacy

“Markus….Markus Santana,,pasensya na ulit sa nangyari kanina sa hallway di ko talga yun sinasadya..” paliwanag nito..

“naku ok lang yun, naintindihan namn kita ng sabihin mong transferee ka dito.”

“sige mauna na ako sayo, may klase pa kasi ako” pag papaalam ni Markus sa kanya…

Gwapo, matangkad, siguro matalino na rin,

Kinurot niya ang sarili niya… “ouch! Ano ba itong iniisip ko.. lord sorry po nagkakasala ako kay Vincent nito..” bumalik na siya sa class nya…

CHAPTER 1 done..hope you guys like it…please comment your reaction please

Like and VOTE

THE BOY NEXT DOOR Series 1 Xian Lim Where stories live. Discover now