Chapter 25

921 18 7
                                    

Chapter 25

Markus's POV

Isang taon na ako sa states at okay pa namn kami ni stacy.

Isang araw nakatanggap ako ng isang telegrama sa school kung saan ako nag aaral. Nakakapanibago dahil sa locker ko ito pinadala.

Pumasok ako sa library at doon basahin ang sulat.

"Markus

 

 

            Hindi ko na kailangan magpakilala sayo, dahil sa pagkakataong ito mahirap nang mabunyag ang aking pagkataon. Matagal ko na itong gustong sabihin sayo, matagal ko ng tinatago ang katotohanang naguugnay sa katauhan ni stacy.

 

 

      Sa pagkakataong ito gusto kung sabihin sayo na kailangan mong layuan ang iyong kasintahan para na rin sa ikaliligtas nya. May mga taong nasa iyong paligid na kailangan mong mag ingat. Mga taong malapit sayo na hindi mo dapat pagkatiwalaan.

 

 

    Isang taong pumatay sa magulang ng iyong kasintahan, kung ayaw mong mapahamak si stacy kailangan mo muna siyang hiwalayan. Hanggang hindi natatapos ang lahat.  Pakiusap Markus.

 

 

                                    Anonymous sender"

Bigla akong nagulat sa sulat na aking nabasa, hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama. Isang taong malapit sa akin ang taong pumatay sa magulang ni stacy?

"Flashback 

 

 

  " Hijo kailangan mo ng mag empake our flight will be tomorrow morning" sabi ng lolo ko sa akin.

 

 

"Bakit ang aga po namn ata, diba po next month pa tayo aalis bakit namn po biglaan namn po ata?"

 

 

"May kailangan ako gawin sa states na gusto kung kasama ka, gusto kung matutunan mo ang mga dapat gawin habang maaga pa."

 

 

"Okay po magpapaalam lang po ako kay stacy."

 

 

"Lalabas ka? Wag na tawagan mo nalang siya, maiintindihan ka na non kahit hindi ka nya makita." Sabi nito

THE BOY NEXT DOOR Series 1 Xian Lim Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ