Chapter 22

789 18 6
                                    

Chapter 22

Stacy’s POV

    Isang araw nalang bago ang graduation ay di pa rin ako kinakausap ni Markus. Kaya naisipin kung pumunta nalang sa bahay nila since wala na akong klase ngayun, may test nalang ako mamayang hapon.

Pagdating ko sa Gate nila, para akong nakaramdam ng kakaiba, nag doorbell ako at nakita ako ni Kuya guard, kaya pinapasok nalang nya ako..

Papasok na sana ako sa loob ng bahay ng may biglang nagsalita.

“Saan ka pupunta?”  isang boses ang narinig ko mula sa likod ko. Nang lilingon na ako ay bigla itong tumalikod sa akin. Kaya medyo hindi ko kaagad nakita ang mukha nito. Kung di ako nagkakamali ito na siguro ang lolo nya na galing states.

“Maganda umaga po Sir, gusto ko lang po sanang makausap si Markus.”

“Anong kailangan mo sa apo ko,”

“Ako po ang girlfriend ng apo ninyo Sir, may kailangan lang po sana akong tanungin sa kanya.”

Paglingon nito ay bigla akong kinabahan ng makita ko na ang mukha ng matanda. Napasinghap ako ng magtama ang aming mga mata, bigla akong natakot sa presence nya.

“oh hija para ka namang nakakita ng multo sa lagay na yan, ganon na ba ako katanda sa paningin mo.” Biglang nag iba ang aura ng matanda sa akin.

“H-hindi po”

“sandali ipapatawag ko siya sa loob, pumasok ka muna dito” Nang sabihin nyang sumunod ako ay parang hindi ko maigalaw ang dalawang paa ko na sumunod, parang nakapako pa rin ito sa kinatatayuan ko, na para bang takot na takot.

“Susunod ka ba or Jan ka nalang maghihintay.” Sumunod ako sa loob ng bahay at upo sa sala nila, habang inutusan nya ang isang maid na tawagin si Markus sa kwarto nya, pagkatapos ay lumapit siya sa akin at umupo ito sa upuan.

“Ikaw palang ang Girlfriend ng apo ko, ano nga pala ang pangalan mo hija?” tanong ng matanda sa akin.

“Stacy…Stacy Santos.” Sambit ko, tapos biglang nagiba ulit ang aura ng matanda ng marinig nito ang last name ko.

“Santos ba kamo ang apelyido mo?”

“opo Sir.. may problema po ba?”

“Ah wala namn hija.” Sabi nito

Pero bago ko pa makita ang reaction nito ay nakita ko na kaagad si Markus pababa ng hagdanan, kaya tumayo na ako at pati ang matanda ay tumayo na rin.

“Oh siya maiwan ko na kayong dalawa dito, mukhang may mahalaga kayong paguusapan na dalawa.” Sabi ng lolo ni Markus at umalis na ito.

THIRD PERSON’s POV

THE BOY NEXT DOOR Series 1 Xian Lim Where stories live. Discover now