Chapter 20

1.2K 21 6
                                    

STACY POV

Maaga akong nagising dahil may gagawin pa akong project sa library sa school.

"Oh Stacy ang aga mo atang aalis?" tanong ni manang sa akin habang naghahanda siya ng almusal

"eh manang may gagwin pa po kasi ako sa school na kailangang tapusin. Sige po mauna na ako"

Sa School.

"Oh Ang aga mo ata ngayun?" sabi ni manong guard na subrang bait..

"Eh para di ako late" biro ko. Tawanan kaming dalawa

"Sige kuya mauna na ako sayo."

Pumasok ako sa Campus kunti palang ang mga tao kaya hidni ako makikipagsiksikan sa Library.

Hinanap ko ang mga libro pang law. Ewan ko ba.... Pagising ko nalng isang araw gusto ko na rin mag lawyer.

Biglang tumunog ang phone ko. Nakaregister si Marcus.

"Goodmorning wake up baby.." sabi nito..Di ko pala nasabi sa kanya na mauuna ako sa school.

"Kanina pa ako gising babe...Nasa school na rin ako kaya wag mo na ako sunduin!"

"Sa school bakit ang aga mo namn atang pumasok babe.?"

"May kailangan lang kasi akong pag aralan. kaya maaga ako."

"okay sige makita nalng tayo mamaya sa classroom okay love you"

"i love you too.."

Nakita ko na rin yung librong hinahanap ko.

Habang binabasa ko ito hindi talga ako makapaniwala na kahit marami kang pera ehh hindi mo mabibili ang hustisiya. katulad nitong Hari sa India. Kahit alam nyang marami siyang pera eh kinailangan rin siyang ikulong sa salang pag patay sa kanyang asawa. umiling na lang ako habang binabasa ito.

Di ko na namalayan ang oras. Magsisimula na pala ang unang subject ko. Kaya dali dali akong tumakbo sa classroom ko. Di ko nakita sina Pamela napatid tuloy ako.

"Pamela!!" sigaw ng isang lalaki

"Stacy okay ka lang ba" tumingin ako at nakita ko si Vincent.

"Oo okay lang ako..." Tumayo ako at tinignan lang ng masama si Pamela.

"Tulungan na kita" sabi nya.

"Hay naku Vincent... Bakit mo pa tutulungan yang malanding yan...Halika ako nalang ang tulungan mo" Malanding sabi ni Pamela.

"Layuan mo nga ako.... Halika na Stacy ihahatid na kita sa Classroom mo."

Habang naglalakad kaming dalawa, di na ako tumangging magpatulong pa dahil na rin siguro sa subrang sakit ng tuhod ko.

MArkus's POV

(Loob ng Classroom)

Magsisimula na ang class pero wala pa si Stacy, Kala ko ba maaga siya bakit late na siya.

Wala pang isang minuto ay dumating na rin si Stacy kasama si Vincent at nakaakbay siya sa kanya.

THE BOY NEXT DOOR Series 1 Xian Lim Where stories live. Discover now