[ 11 ] Shane Alvarez

55.6K 731 64
                                    

Chapter 11: Shane Alvarez

Dahan dahan na naglakad si Gab pabalik sa party habang patulay na iniisip si Jin.

‘Limang taon na ang nakalipas simula ng mamatay siya. Limang taon na walang Jin, kabs, honey, Charel at kung ano ano pa mang tawag sa kanya. Sa loob ng limang taon na ‘yun, kinaya ko na wala siya pero hindi ko inaasahan na may magpapaalala pa din sa’kin sa kanya. Sigurado ako na kamukhang kamukha ni Jin ang babae na nasa loob ng kotse na ‘yun. Pinilit kong sundan pero nakawala siya. Hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa na makikilala ko din kung sino siya. She really reminds me of Jin. Alam ko na patay na talaga siya kaya hindi ako umaasa na siya si Jin. All I want is to meet that girl. Hindi ko alam na kahit miss na miss ko na ‘yun, mas mamimiss ko pa pala siya. I've been longing for her all these years and I just want to see someone who looks like her kahit na hindi pa man siya ‘yun kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ‘to.’

Pagdating nila doon ay hinila nina KL at Gab si Terrence.

"Why did you bring me here? Is there anything wrong?" tanong ni Terrence.

"Gusto lang namin makipagkwentuhan sa’yo. Okay lang naman siguro ‘yun, hindi ba?" sagot ni KL.

"Yes, of course."

"Umupo ka na muna."

Naguguluhan si Terrence sa ginagawa nila sa kanya pero umupo din siya. 

"So what business do I have here?"

"Terrence, tell me more about your girlfriend! I'm really curious on how she looks like and her attitude as well. Gusto ko lang malaman kasi naputol ‘yung pag-uusap natin kanina."

"Ganun ba? She's pretty and she's a little shy. Chef siya at may plano siya ulit na mag-aral ngayong taon." 

"Cool! Ano namang course?"

"Information Technology."

"Saan siya mag-aaral?"

"I don't know. Siya kasi ang pipili ng school at kung ano man ang pasukan niya, okay lang sa’kin."

Sinusunod sunod ni KL ang pagtatanong kay Terrence dahil gusto niya talagang makilala ang babae na ‘yun.  Alam niya kasi na hindi magtatanong si Gab dahil baka magmukha siyang desperado kaya siya na ang nagtatanong para kay Gab at makikinig na lang sa kanila si Gab.

"May kausap ka kanina sa phone, diba? Si Shane ba ‘yun? Nagmamadali ka kasi umalis kaya hindi ko na natanong. Sa totoo lang, accidentally ka naming nakita sa parking lot. Lumabas ka ng sasakyan at may kasama kang babae sa loob. Si Shane ba ‘yung kausap mo nun?"

Nagulat si Terrence sa sinabi ni KL.

"Yes, you’re right. Nakita niyo pala kami."

"Oo. Kasama ko nun si Gab."

"I see."

"Bakit hindi mo siya niyaya dito sa party? Bakit nasa sasakyan lang siya?"

"I did invite her to attend this party but she refused. Nagpaalam lang siya sa’kin na gagala siya at napadaan lang siya dito kaya pinuntahan ko."

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon