[ 35 ] Feelings

53K 553 72
                                    

Chapter 35: Feelings

Hanggang ngayon ay nakikitira pa rin si KL sa bahay nina Steven. Sa ngayon ay patuloy pa din siyang naghahanap ng malilipatan. Napagdesisyonan niya na kasi na sa Pinas na muna siya titira at kapag kinailangan lang siya ng pamilya niya ay pupunta punta na lang siya sa Korea.

“Saan ang lakad mo ngayon, KL?” tanong ni Aine.

“Ang ganda mo ngayon, ah?” dagdag ni Steven.

           

Nasa sala sina sina Steven at Aine ngayon. Nanonood sila ng tv nang mapansin nila na bumababa ng hagdan si KL galing sa kwarto nito. Nakasuot siya ng dress at nakaayos din ang buhok nito. Naghanda talaga siya para sa lakad niya ngayong gabi.

“Magbabar ka? Sama ako!” sabi ni Aine.

“'Wag na. Maghahanap ka lang doon ng gwapo” sagot ni Steven.

Umupo si KL sa tabi ni Aine.

“Hindi ako magbabar. May meeting kasi ako ngayon,” sabi ni KL.

“Totoo ba 'yan? Niloloko mo lang kami, eh. Para lang sa isang meeting, nageffort ka talaga para magpaganda?” hindi makapaniwalang tanong ni Aine.

“Naniwala ka naman sa mga sinasab nyan, gorgeous? Sigurado ako na may date lang 'yan kasama si Spencer. Tama ba ako, KL?” tanong ni Steven.

“Walang meron sa 'ming dalawa kaya hindi date ang tawag sa labas namin. Meeting 'yon guys, meeting.”

“Para saan pa na nagkaroon ng friendly date? May tinatago lang talaga kayong dalawa sa 'min. Umamin na nga kayo. Kayo na ba?” malokong tanong ni Steven.

“Sasagutin mo na ba siya o kayo na? Nanliligaw siya sayo, 'diba?” tanong ni Aine.

“Hindi siya nanliligaw. Oo na, Steven. You win. It’s a friendly date.”

“Enjoy, KL! Sulitin mo na 'yan. Kinikilig talaga ako para sa inyong dalawa.”

“Pero kapag ako ang ganyan sa 'yo, hindi ka kinikilig.”

“Ewan ko sayo, Steven!”

Nang marinig nila ang tunog ng door bell ay agad na tumayo si KL para tingnan kung sino ang dumating. Kakaiba sa inaasahan niya, pizza delivery 'yon at hindi si Spencer.

“Aine, nagpadeliver ka ng pizza?” sigaw niya galing sa labas.

“Oo! Teka, lalabas ako!” sigaw nito pabalik.

Madaling lumabas si Aine para bayaran at kunin ang pizza na pinadeliver at sabay na sila ni KL na pumasok ng bahay.

“Akala mo si Spencer na, ano? Hahaha! Madaling madali ka pa,” pang-aasar ni Steven.

“Mahal mo pa siya, hindi ba? Kung sakaling tanungin ka niya kung pwede ka niya maging girlfriend ulit, um-oo ka na! Sayang 'yong chance!” dagdag ni Aine.

“I don’t know, guys. Bahala na. Ayoko din kasing madaliin.”

Tumunog ulit ang door bell at sa ngayon, ayaw ng tumayo ni KL.

“Tumayo ka na. Sigurado ako na si Spencer na 'yan,” natatawang sinabe ni Steven.

“Ayoko ng tumayo. Baka mamaya may pinadeliver pa kayo tapos mapahiya na naman ako.”

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon