[ 39 ] Best friend and Girlfriend

42K 462 49
                                    

Chapter 39: Best friend and Girlfriend

Napaupo na si Jin sa pagod kakahabol kay Gab. Kanina niya pa ito hinahabol pero hindi ito nagpapahuli sa kanya.

"Ayoko na! I'm tired," sigaw ni Jin.

Tumayo si Jin at humawak sa tuhod niya. Hinihingal pa din siya hanggang ngayon. Agad naman siyang nilapitan ni Gab.

"Okay ka lang?" tanong ni Gab.

Agad na sinipa ni Jin si Gab at nginitian ito. Napahawak na lang si Gab sa parte na sinipa ni Jin. Maswerte siya dahil wala itong suot na sapatos.

"That serves you right. Kabs pala, ha?"

"Masakit ka pa din talaga manipa. Ka--"

"Stop calling me kabs. I don't like it. I really, really hate that name."

"Pero 'yon ang gusto kong itawag sa 'yo."

"Then I'll call you Gabriel. It's settled then."

"Ayoko nun."

"But I like it, too."

"Fine. Hindi na kita tatawagin na kabs."

Hinila ni Gab si Jin at niyakap ng mahigpit. Hinayaan lang naman siya ni Jin.

"Sobrang namiss talaga kita at namiss ko din 'yong ganito tayo," mahinang sinabi ni Gab.

Kumalas si Gab sa yakap niya kay Jin. Hinawakan niya ang mukha nito at saka niya ito hinalikan sa noo.

"Are you tired?" tanong ni Gab.

"Yes. It's been a long day for the both of us."

Umupo sila sa buhangin para magpahinga. Nakatingin sila sa dagat na payapang payapa at masarap din sa pakiramdam ang hangin. Nakasandal ang ulo ni Jin sa balikat ni Gab.

"I'm so happy, Gab. I just hope that everything will be alright from now on."

"Hindi naman maiiwasan ang problema. Ang gagawin lang natin, hindi tayo susuko at sabay natin itong haharapin. Sa gayon, magiging mas madali ang lahat para sa ating dalawa."

Tumunog ang phone ni Gab kaya napaayos ng upo si Jin at tiningnan niya si Gab. Kinuha ni Gab ang phone niya sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nakita niya na tumatawag ang manager ni Mika kaya agad niya itong sinagot.

"Hello."

"Mikaela is missing!"

"Ano?!"

"Wala akong idea kung saan siya pwedeng pumunta. I’ve been looking everywhere for her but she’s nowhere to be found. Tinawagan niya din ako kanina at sigurado ako na nakainom na naman siya."

"May problema ba siya?"

"I think so. Hindi siya magkakaganun kung wala."

"Sa tingin ko alam ko na kung nasaan siya. Tawagan mo na lang ako kapag nakita mo siya. Tutulong ako sa paghahanap. Bye."

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon