[ 50 ] Love

38.8K 547 66
                                    

Chapter 50: Love

Pagkarinig ng pangalan na ‘yon ni Jin, pakiramdam niya ay nawala ang lahat ng epekto ng alak sa katawan niya. Nagulat sila ni Gab sa pag-amin ni Haeja. Hindi nila inaasahan na si Mika ang may pakana ng lahat lalo na't ilang buwan na itong wala sa Pilipinas.

"Jin, sana 'wag niyo munang ipaalam sa kanya ang tungkol dito. Pangako, pagbalik niya, ako mismo ang magdadala sa kanya sa harapan niyo para paaminin siya sa kasalanan niya."

Kumalma na si Jin. Pinaupo siya ni Gab sa isang upuan kaharap ni Haeja.

"And why do you want me to do that, Haeja?" tanong ni Jin.

"Gusto ko na makaharap niyo siya ng sabay para hindi na siya makakatanggi pa sa ibinibintang sa kanya. Tinulungan niya ako sa mga kailangan ko noon at siya ang sumusuporta sa amin ngayon ng anak ko kaya ko ‘yon nagawa. Hindi ko siya matanggihan dahil sa utang na loob ko sa kanya. Alam ko na ngayon na mabuti talaga kayong tao at gusto ko na matapos ang kasamaan niya sa inyo, Jin. Ito ang dahilan kung bakit ako umaamin sa inyo ngayon."

Saglit na nanahimik si Jin. Iniisip niya kung ano ba ang dapat niyang gawin.

"Okay, let's do that. For now, you can't resign from your work," sabi ni Jin.

Hinawakan ni Jin ang kamay ni Haeja.

"We need you, Haeja. Ito lang ang hinihingi ko sa 'yo," mahinahong sinabi ni Jin.

"Makakaasa ka, Jin. Tutulungan ko kayo."

"Gab, pwede bang iwan mo muna kaming dalawa? Susunod na lang ako sa labas."

Lumabas na muna sa restaurant na ‘yon si Gab at hinayaan muna na makapag-usap sina Jin at Haeja. Nginitian at inabutan ni Jin si Haeja ng panyo at kinuha iyon ni Haeja.

"Thank you, Jin. Napakabuti mong tao. Pasensya ka na sa mga nagawa ko sa 'yo, sa inyo ni Gab. Hindi ko sinasadya na saktan kayo. Ngayon, alam ko na hindi kayo masama. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ang laki ng galit sa ‘yo ni Mika."

"I also don't know why you did this to us in spite of what we did. If you need some help, you should've asked for help to us. Of all people, why her? Bakit kailangan na siya pa ang lapitan mo? Nandito naman kami para sa ‘yo."

"I'm very sorry, Jin. Wala lang talaga akong mahingan ng tulong noon kung hindi siya lang kaya siya lang ang pinuntahan ko."

"What do you mean?"

"Can you promise me something first? I don't want anyone to know about this, only you, Jin."

"Okay, I promise."

Umorder si Jin ng maiinom nilang dalawa. Pagkadating ng inorder niya, doon niya simulang pinagkwento si Haeja.

"Naging kaibigan ko si Mika at may ipinakilala siyang lalaki sa akin. Niligawan ako ng lalaking ‘yon at hindi nagtagal, naging boyfriend ko siya. May isang gabi na parehas kaming nalasing at may nangyari sa 'min, hindi ko naman inaasahan na magbubunga ‘yon. Nang malaman ko na buntis ako, nakipaghiwalay ako kaagad sa kanya."

"Why did you do that?"

"Bata pa si Marc at alam ko na kapag nalaman niya na nagkaanak kami, iiwanan niya din ako kaya ako na ang unang nakipaghiwalay sa kanya. Mas bata siya sa 'kin ng halos tatlong taon, Jin. Alam ko na hindi niya ‘yon matatanggap."

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon