[ 5 ] A Friendly Conversation

55.9K 770 51
                                    

Chapter 5: A Friendly Conversation

Nilock ni KL ang pinto at umupo siya sa kama kung saan siya natulog. Tiningnan niya si Spencer at napansin na seryoso ang mukha nito.

‘Tama na din siguro na makapag-usap kami ngayon dahil simula ng dumating ako, hindi pa kami nakakapagusap ng matino.’

Umupo si Spencer sa kama na katapat ng inuupuan ni KL at tiningnan siya ng deretso.

"Kung tungkol ‘to sa sinabe ko sayo kagabi, kalimutan--"

"KL, si Jichelle--"

"Si Jichelle ang dati mo pang nililigawan at girlfriend mo na ngayon. Alam ko ‘yun."

"Hayaan mo muna akong magpaliwanag."

"I'll let you explain everything even though you don't have to. I'm also curious on who she is and how it all started between the two of you."

"Tigilan mo nga ako sa kaka-english mo."

"Hindi ko maiwasan na maging ganito tuwing seryoso na ako. Hindi ka pa din nagbabago at ayaw mo sa salita na mahihirapan kang makipag-usap."

"Hindi naman ako nagbago, KL. Tumanda lang ako pero ako pa din ‘to. Ikaw ang malaki ‘yung pinagbago."

"Ako pa ang nagbago sa lagay na ‘to? Bakit? Ano na bang nagbago sakin?"

"Mas babae ka ng tignan ngayon. Nagpapaganda at pumoporma ka na. Englishera ka na din."

"Of course! Sa tagal kong tumira sa Korea, I think it’s normal for me to be this way. Business person na ako at kailangan kong maging disente palagi. Yes, I may have changed physically pero ‘yung ugali ko, hindi nagbago."

"Akala mo lang ‘yun. Maarte ka na ngayon."

"Parang ikaw hindi nagbago, ah?! Sa mga kilos mo, parang nakikita ko sayo ‘yung ugali ni Gab noon."

"Hindi ako nagbago, KL. Hindi ko lang din alam kung paano kita kakausapin kaya siguro tahimik lang ako pagdating sa’yo."

"Bakit ganun?"

"Dahil kay Jichelle. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin yung tungkol sa’ming dalawa."

Ngayon, alam na ni KL na kaya ganun ang pakikitungo ni Spencer sa kanya ay dahil lang kay Jichelle. Ang buong akala niya kasi ay nagbago na ito.

"Paano mo nakilala si Jichelle?"

"Schoolmate namin siya nina Steven at naipakilala lang siya sa’kin ng mga kaibigan ko noon. Mas mababa lang siya ng isang year sa’min. Simula nang magkakilala kami, madalas kaming nagkakausap at nagkakatext hanggang sa nagustuhan ko siya."

"Anong nagustuhan mo sa kanya?"

"Nagkakasundo lang kami sa mga bagay bagay. Maganda siya at masaya din siyang kasama."

"Kailan mo pa siya nililigawan?"

"Mag-iisang taon na din."

Hindi inaasahan ni KL na ganun na katagal na nililigawan ni Spencer si Jichelle.

"Matagal na din pala. Sa tingin ko, mahal mo nga talaga siya."

"‘Yun din ang akala ko noon."

"What do you mean?"

"Naapektuhan ako nang sobra nang dumating ka. Bigla akong naguluhan at napaisip kung mahal ko nga ba talaga siya. Akala ko nakamove on na ako pero mukhang hindi pa."

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon