EPILOGUE

16.1K 269 36
                                    


Angela's POV

It's almost 3 years from now mula nung nangyaring Gulo. And Finally ! Gagraduate na'ko . Tapos na'ko sa highschool life na'to .

"Angelaaaaa !" Napalingon ako ng may narinig akong boses na tumawag sakin.
Napangiti ako ng makita silang tumatakbo papunta sakin .

Si Loraine at Claire . Ang mga kaibigang naging saksi ng pag bagsak at pag bangon ko . Niyakap nila ako at ganun narin ako

"Congratulations" napa lingon ako kina Kuya na nasa likod ko lang pala .

Si Kuya , Liam , Kent , Charlie at Loyd . Mga lalaking naging saksi rin sa mga pinagdaan ko sa buhay .

Hindi lang sila saksi kundi naging parte at naging kasama ko rin sa mga panahong iyon at sa mas marami pa.

"Group hug !" Sigaw ni Autum at Jane na kakarating lang at agad naman kaming nag yakapan

"Oh sige , dito na muna kami . Tapos na kami niyan eh . Congratulations ulit" sambit ni kuya ng nag simula na ang graduation ceremony .

Tumingin sakin si Loyd at mahinang nag sabi ng congratulations  . Napa ngiti nalang ako saka nag thank you sa kanya .

Nag stay muna sila sa gilid at umupo na kami sa upoan namin .

"Valedictorian , Flores Angela Devilla T."

Nag palakpakan ang mga tao at tumayo naman agad ako saka nag lakad papunta sa dalawang taong mahalaga sa buhay ko

"Congratulations anak" sambit nilang dalawa sakin

"Thank you ma, thank you pa" ngumiti naman sila at umakyat na kami sa stage

Pagka baba namin ay nag picture muna kami at pagka tapos ay bumalik na ako sa kina uupoan ko at nag hintay nalang na matapos ang program nato.

Maya-maya lang ay tinawag na sina Loraine at Claire .

Nagsi uwian na kami at matapos kaming nag bihis at naka pag ready ay dumiretso kami sa hotel nila prince .

Nagpaparty ang buong gang namin , lahat ng members andito at shempre kompleto rin yung squad. Ang dami dami namin , masaya , nag tatawanan , inuman dito inuman don , kwentuhan dito , kwentuhan don. Ang saya at ang sarap sa pakiramdam

Andito ako sa isang table habang sina Loraine, Kent at kuya may ginagawa daw . Ewan ko ba sa kanila parang palagi nalang busy eh . Yung iba naman nasa ibang table lang

Biglang dumating si Loyd.
Ngumiti lang ako , saka sinabayan siyang maglakad-lakad . Hindi ko inaasahang siya narin pala talaga . Ewan ko ba kung bakit ako nagka gusto sa mokong na to . Basta ang alam ko lang ngayon , nagmamahalan kami ng lalaking to

"Heeey , Mr. Mark Loyd Gonzales and future Mrs. Angela Devilla Flores-Gonzales" napa tawa kami dahil sa pagbati samin ni Charlie . Kahit kailan talaga ang kulit ng isip bata nato .

Masaya na sila ngayon ni Loraine , wala eh gusto nila ang isat-isa . Wala rin naman silang ka agaw kaya ano pa nga bang patatagalin nila. Nakita ko namang masaya siya dahil nakuha niya ang babaeng gusto niya at shempre alam ko ring mas masaya si Loraine sa kanya .

"Oh ? Anong kwarto gusto niyo?" Pabirong tanong ni Liam sa amin

"Yung may king size bed daw para comfortable kahit anong position" dagdag naman ng girlfriend niyang si Claire

Nagsi tawanan nalang kami . Simula palang , alam naming nagkaka mabutihan tong dalawang to . Nung una ay ayaw nitong si Loyd na ligawan ni Liam yung kapatid niyang si Claire pero wala siyang nagawa . Sinabihan ko rin kasi siya na pag papalag siya edi di ko siya sasagutin . Kaya ayun support nalang siya sa kanila . Isa pa, si Claire ang mag dedesisyon nun at hindi siya

"Puntahan kaya natin Sina Loraine ?" Pang aaya ko sa kanya

"Saan naman natin makikita yung mga yun?" Taas kilay niyang tanong

Sasagot na sana ako ng biglang dumating yung tatlo

"Wassszzzup" sabay apir pa sakin ni Loraine

Kasama na nila si Jane at Autum ngayon.

Napa ngiti nalang ako habang tinitignan silang lahat na nagtatawanan .

*Sigh*
Masaya na ang lahat . Okay na , wala na kaming dapat pang problemahin . Tapos na ang gulo.

Si Red , Kate at Steph ay bumalik raw sa States. Sumulat sila samin at sabi nila hindi na raw nila ulit kami guguluhin. Humingi narin sila ng tawad. Napa tawad naman namin sila pero shempre hindi parin namin makakalimutan ang ginawa nila. Pero tapos na

Mula ngayon , ang The Bad Girl Hidden in an Angel ay hinding hindi niyo na ulit makikita . Si Girl in mask , hindi niyo na ulit makaka salamuha .
Dahil ngayon , sa araw na ito . Ipapa kita ko na ang tunay na ako. Kung sino talaga ako, hindi yung babaeng nag tatago sa maskara at takot na makilala ng iba , hindi yung babaeng nagpapakitang Anghel lang sa kanila .

Kundi, Natatangi nalang Angela Devilla at wala ng iba.

Nagpaalam muna akong umalis saglit . Pumunta ako sa may mini stage at kinuha yung mic.

"And for the last time" sigaw ko na may hawak na mic at baso ng wine sa kabilang kamay . Napa lingon naman sakin ang lahat at ngumiti

"In 1...2...."

"WILDEST DEATH FIGHTERS ! CHEERS !"

****

Nasa gitna kami ng pagsisiyahan ng may biglang humila sakin at dinala ako sa isang garden kung saan ang ganda at ang tahimik ng lugar .

"Congratulations My Angel" ngumiti ako at niyakap siya

"Thank you" tanging tugon ko

"Sa lahat ng nangyari , diko inaasahang mararanasan pa nating maging masaya ng kagaya nito  . Still , I'm so thankful" sambit niya

"I love you" malambing kong sabi na kitang kita ang ngiti saking labi at saya saking mata

"I love myself" sagot niya . Natahimik ako at napa tingin ako sa kanya

"But I love you more" ngumiti siya at niyakap ako kaya ganun na din ako

"You know what I love the most ?" Tanong niya sakin . Di na ako nag abala pang sumagot at hinintay nalang ang susunod niya sasabihin. Kumalas siya sa pagkakayakap niya sakin at iniharap ako sa kanya . Saka nag salita

"I love the idea of me loving you when no one else could. I love you so much Babe My Angel"

Then , we kiss  ...

For now , natatawa nalang ako habang iniisip ang mga pinag daanan ko. Pinag daanan ng buong tropa ko .

Maraming sakit , hirap , luha , dugo , lungkot , alala , takot at galit ang aming na daanan . Pero sa kabila ng lahat , nanatili kaming matatag at lumalaban  . Yan ang kwento na nadaanan ko . Kung saan di na muling uulitin pa ng bagong ako

Kwento ng THE BAD GIRL HIDDEN IN AN ANGEL.

______________THE END_______________

The Bad Girl Hidden in an Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon