CHAPTER 48

11.3K 156 14
                                    

Angela's POV

Hanggang ngayon ay di parin mawala sakin ang pagka taka

Anong plano ni Red? Anong balak niya? Bakit siya nag panggap na siya si Prince? Ang gulo ng lahat. Saka pano niya nalaman yung mga pinagsasasabi niya sakin nung nag panggap siya bilang Prince ?

Ngayon ko lang napag tanto,
Hindi pala lahat ng pinaniniwalaan mo , totoo .

Nandito kami sa Hospital nila Loyd , ginagamot ang mga sugat nilang dalawa ni Kent. Tinawagan namin si Kuya kanina at sinabi sa kanya lahat ng nangyari . Agad niya naman kaming pinuntahan sa lugar na iyon at dinala agad kami dito

Hinayaan naming umalis sina Steph at Red kanina. At kagaya ng pinagsasabi nila , hindi pa kami tapos . At AKO ANG TATAPOS

Hindi ko sila hahayaang mag tagumpay.
Kung magsisisi kami, pwes MAGDUDUSA SILA !

"Ano ba talaga ang nangyari Angela ?! Pano humantong sa ganun ?" Nagugulohang bulyaw ni kuya , halata ko sa mga mata at sa mga kinikilos niya na medyo galit siya

Napayuko nalang ako at hinihintay ko ang sarili kong mag salita pero ayaw bumuka ng bibig ko parang walang salita o boses na gustong lumabas .

"Eh--ehhh ka-kasi pinun---pinuntahan ko si-siya" di ako makapag salita nv deretso , natatakot ako sa maaaring maging reakayon ni kuya

"Ano?! Pinuntahan mo siya ?! Ani bang pumasok sakl kokote mo at naisip mo yun ?! Anibg dahilan mo ?! Angela naman ! Di lang ikaw napapahamak dito !" Pasigaw na sabi ni kuya habang malalim ang titig sakin

Sina Loyd at Prince naman ay tiningnan lang kami habang ginagamot sila.

"Kung may plano ka ! Wag kang makasarili ! Nandito kami ! Wag ka basta basta gumawa ng hakbang ng di namin alam ! Bakit mo siya pinuntahan ?!" Dagdag pa nito

"Kakausapin ko sana siya" maikli kong tugon

"Kakausapin ?! Alam mo namang siya ang kauna unahan nating kaaway diba ?! Di kaba nag iisip Angela ?!"
Unti unti ng namuo ang luha saking mga mata kaya bahagya nalang akong napa yuko para di nila makita at mapansin yun

"Ang tanga mo Angela ! Ang tanga tanga mo !" Di na ako nakapag pigil kaya sumigaw narin ako

"Hindi ko rin naman alam na nag panggap lang siya ! Kung alam ko lang lahat edi sana umiwas na ako diba ?! O di kaya kung ano ng ginawa ko para magdusa at magsisi ang bulok na yun ?! Pero wala ! Wala kasi wala rin akong alam !"

"Nag panggap ? Nagpanggap siya bilang si Prince ? Angela di mo ba naisip ?! Na kung siya nga si Prince , bakit kailangan niyang mag higanti ?! Bat kailangan niya pa tayong labanan ?! Angela naman ! Binigay mo ang tiwala mo sa ka una unahan nating kaaway pero sa amin na nag iisa mong kakampi di mo man lang nagawang sabihin ang plano mo" mas lalo akong napa iyak ng naisip ko ang lahat ng sinabi ni kuya

Tama siya, ang tanga ko . Ang tanga tanga ko, di ako nag iisip . Ang tanga ko ! Bobo!

Agad akong tumayo at pinahid ang luha mula saking mga mata at lumabas sa kwartong iyon , hinayaan lang nila akong maka alis. Gusto ko ng umuwi

Nag abang ako ng taxi sa labas at di na nagpaalam sa kanila na uuwi ako .
May humintong taxi sa harap ko kaya agad naman akong sumakay at nagpa hatid na sa bahay

The Bad Girl Hidden in an Angel (COMPLETED)Where stories live. Discover now