CHAPTER 31: Unexpected

12.1K 168 4
                                    

Angela's POV

"Oo kuya , kayo ba diyan ?" Balik kong tanong

"Okay lang ,mag handa kayo saka mag ingat narin" agad niyang binaba ang telepono ng may nag papatok patungo samin

Nakita kong may lalaking naka suot ng buong itim sa katawan na tumakbo patawid . At hindi pa siya naka tawid ay may bumaril sa kanya at ngayon ay naka handusay na siya sa kalsada

Malamang sina kuya yung bumaril nun

"Mga lalaki tong kalaban natin , at sigurado marami sila" sabi ko kina Loraine at Loyd

"Loraine , tumakbo ka sa katabing kahoy , i co-cover ka namin" utos ko kay Loraine

"Sige" maikli niyang tugon

"Go" agad siyang tumakbo at gaya nang inaasahan , may lalaking aktong babaril sa kanya pero nakita ko at yun , sapul ! Nabaril ko yung lalake

"Ok kalang ?" Sigaw ko kay Loraine

"Oo ok la----- ahhhhhhh" di niya natapos ang sasabihin niya dahil sa biglang pagsigaw niya ng may lalaking humila sa kanya

"Loraine !" Sigaw ko sabay habol sa dalawang lalaking humihila sa kanya

Napatumba yung isang lalaki ng barilin iyon ng Loyd kaya naka kuha ng chansa si Loraine para magpumiglas at tumakbo uli patumgo samin

"Halikaaa dito !" Sigaw ng lalaking kanina ay may hawak kay Loraine

Imbis na habulin niya si Loraine ay pumwesto lang siya at aktong babarilin na niya si Loraine

"Loraine dumapa ka !" Sigaw ni Claire mula sa kabila

Aktong pupuntahan na ni Claire si Loraine pero pinigilan ito ni Liam . Hinila niya si Claire pabalik at itong si Charlie ay kumaripas ng takbo papunta sa kina roroonan ni Loraine at ni yakap niya ito .. Sabay ng pagyakap niya ay ang pagputok ng baril

"Try a little bit faster" hambog na sabi ni kuya sa lalaking nabaril niya

"3 knocked down, siguradong marami pa yan . di nila tayo basta basta haharangin kung mas konti sila satin" sabi ko sa kanilang lahat ng nasa gilid kami ng kalsada

"Alerto kayo , baga andyan lang sila sa gilid at nagmamasid" dagdag naman na sabi ni kuya

"Okay lang ba kayo?" Tanong ko sa kanilang lahat

"Oo" sagot nila

"Ahhhhhhh" sigaw ni Claire sabay yuko ng may humagis ng pulang kutsilyo na may marka ng apoy at tumusok ito sa may kahoy

"Fvck ! Okay ka lang ?" Nag aalalang tanong ni Liam

Tumango lang si Claire .Halata g kinakabahan at natatakot siya

"Everyone ! Mag tago kayo sa mga kahoy " sigaw ni kuya kaya agad naman naming ginawa

Huling naka takbo si Loyd kaya na abutan siya ng lalaki at sinipa siya nito sa mukha dahilan ng pagka tumba niya

"sh*t !" Pagmura ko sabay takbo kay Loyd at ginantihan ng suntok ang lalaking sumipa sa kanya

"Angela !" Narinig kong sigaw ni Kuya pero diko siya pinansin

Unti unting bumangon si Loyd mula sa sahig . Kasabay ng pag bangon niya ay may dalawang lalaking sumugod uli sa kinaroroonan namin

"Fvck !" Rinig kong sigaw ni kuya sabay sugod at paputok ng baril sa mga lalaking sumugod

Maliban sa tatlong lalaki sa harap namin ngayon ay may lalaking sumugod pa kay kuya mula sa likod na may dalang pulang kutsilyo na may marka ng apoy

The Bad Girl Hidden in an Angel (COMPLETED)Where stories live. Discover now