CHAPTER 49

11.2K 165 3
                                    

Angela's POV

Agad akong bumaba at iniabot ang bayad ko sa driver ng huminto ito . Diko na kinuha ang sukli ko at kumaripas nalang ako ng takbo papasok ng bahay . Mas kinakabahan ako ng nakitang maraming pulis sa loob

Ng nakarating ako sa may pinto ay napako ako sa kinatatayuan ko , diko magawang maigalaw ang mga paa ko habang naka titig sa babaeng naka higa sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo .

Kasalanan ko to , kasalanan ko ang lahat ng to ! Kung sinagot ko lang ang tawag mo kanina edi sana natulongan pa kita ! Sana di humantong sa ganito ! Kung di kita iniwan edi sana di nangyari lahat ng to ! Kasalanan ko lahat !

Yaya , patawarin moko , I'm sorry . Di kita naipag tanggol , hinayaan lang kita . Kasalanan ko lahat . Patawarin moko yaya , patawarin moko

Mas lalong lumakas ang pag iyak ko ng may naramdaman akong yumakap sakin

Si Autum.

"Ka-kasalan ko to" sambit ko kasabay ng malakas kong pag hikbi

"Sssshhh angela, wala kang kasalanan , wag mo sisihin ang sarili mo" mangiyak ngiyak rin na sabi ni Autum

Malapit narin ang loob niya kay yaya , dati kasi eh si yaya yung nakaka kulitan namin . Lahat ng kaibigan ko importante narin para kay yaya

"Ayokoo , ayokoo pa . Gusto ko pa siyang makasama , di pa siya pwedeng mawala .di ko kaya" ngayon ay humagolgol na ako . Diko talaga kaya , kasalan ko to

"Angela " sambit ni kuya saka hinila ako mula kay Autum at niyakap
"Di mo kasalan , wag na wag mong sisisihin ang sarili mo , di matutuwa si yaya pag nakita ka niyang ganyan , okay?" Mangiyak ngiyak rin nitong sabi

"Kuya I'm sorry , ang tanga ko , ang tanga tanga ko . Kasalanan ko naman talaga lahat , sana di ako umalis ng bahay , sana natulungan kopa si yaya" mas humigpit ang yakap ko sa kanya

"Di mo kasalanan okay? Kung sino man ang may gawa nito, siya ang may kasalan . Hindi ikaw" dagdag pa ni kuya saka hinalikan ako sa noo

Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya at ibinalik ko ang tingin ko kay yaya, na ngayon ay naka higa na animoy parang natutulog , napaka payapa ng mukha niya , pero ang masakit lang ay di mo na makikita ulit ang pag ngiti niya .

"Dadalhin muna daw si yaya sa morgue , dito ka muna , mag pahinga ka , sasamahan ka ni Kent , Loyd at Autum . Kami na muna mag babantay kay yaya habang wala pa sila mama" tumango nalang ako sa lahat ng sinabi ni kuya

Gusto ko rin munang maiwan dito, diko kayang makita si yaya na ganun.

Bago sila umalis ay
Napa lingon kaming lahat ng may pinakitang kutsilyo ang isa sa mga pulis . Naka lagay na ito sa isang plastic para suriin

"Pwede ba naming makita ?" Tanong ni Kent/Prince

"Ito po" sabay abot nito samin kaya tiningnan naman namin ito

Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa nakita kong marka at kulay ng kutsilyo

Kayo ang may gawa nito,
Red Fire Gang!

Sisiguraduhin kong magbabayad kayo
Di namin palalampasin ang ginawa niyo.

"Angela , alis muna kami . Mag iingat kayo diyan" ngumiti nalang ako ng pilit kay kuya saka ako inalalayan ni Loyd paupo

"Salamat" tanging nasambit ko ng inabutan niya rin ako ng tubig

"Wag kang mag alala , di natin hahayaang tayo ang mapilayan, di tayo papayag sa ganito princess" ma awtoridad ba sabi ni Prince , at tama rin naman siya , di ko hahayaang ganito nalang

The Bad Girl Hidden in an Angel (COMPLETED)Where stories live. Discover now