CHAPTER 41 : Miss Sungit

11.2K 160 13
                                    


Angela's POV

Naunang nag pasa ng papel sakin yung lalake kanina. Yung lalaking nasa unahan . Nginitian ko lang siya . mukha naman siyang mabait eh

Tiningnan ko yung papel niya . Ardwen pala pangalan niya bukas ko nalang to ih che-check lahat . Nakakapagod eh

Hinintay ko lang na mag submit na silang lahat at pagka tapos ayy maaga ko silang ih di-dismiss . Pwede naman yun diba ? Saka morning lang din naman yung schedule ko kasi may ibang teacher nanaman kada hapon. Okay lang nman siguro yun

"Pass your paper now" kala mo naman totoong teacher talaga ako dito .

Lahat sila tumayo at ipinasa ang papel nila

"Tapos na pala kayong lahat eh di niyo pinasa kanina" mahinahon kong sabi

"Nahihiya po kasi kaming mag pasa maam baka basahin niyo yung mga maling sagot namin , eh buti yang si ardwen kasi matalino yan" sagot sakin ni Lyra

"Di niyo kailangang mahiya , pero ang matakot ? Nasa inyo na yun . Dismiss" pagka sabi ko nun ay agad akong tumayo at naglakad papalabas

Napansin kong ni isa man lang sa kanila ay di tumayo at parang walang balak na umuwi . Ayaw ba nila ng early lunch ?

"What's wrong?" Bumalik ako sa pagkaka tayo ko sa harapan

"Seriously maam ? It's 2 hours pa before lunch and you already dismissed us?" Di maka paniwalang tanong ni Ardwen

"Yes ? Bakit ? Ayaw niyo ba ? Madali naman akong kausap" umupo ulit ako sa upuan ko at maya maya lang kay nagsi lakasan ang mga boses nila

"No maam , gusto namin"

"Nagulat lang kami maam"

"Ngayon pa kasi kami nagka early lunch"

"Seriously maam?"

Mga sigawan nila . So ako pa pala ang ka una unahang teacher n nagbigay sa kanila ng early lunch ? Hmmmm not bad

"Okay !okay !okay ! You can go now" tumayo ulit ako at kinuha yung mga gamit ko

Nagsi sigawan naman sila dahil sa tuwa . Nakaka enjoy rin pala minsan pag naging teacher ka . lalo na pag nagsusungit ka haha ang saya !

Lumabas ako sa room at inilock ito.
Nakita ko naman si Kent na nag aantay sa labas . Di ba siya na bo-bored ? Saka pano kung matagal matapos yung class ko . Mag aantay parin siya diyan ?

"Princess ?" Tawag niya sakin. nakita niya siguro akong naka titig sa kanya

Lumapit ako sa kanya at tumayo naman siya mula sa kina uupoan niya

"Ibang klaseng teacher , parang walang matututunan ang mga estudyante haha" pagbibiro niya sakin kaya hinampas ko siya ng libro na dala ko

"Ngayon lang yun no , kaya sa susunod mamamatay ka kakahintay" natatawa kong sabi

"Akin na nga yan , ang bigat bigat nito eh" kinuha niya yung dala kong libro

"Ang oa mo ! Eh isa nga lang yan !" Sabay turo ko pa sa libro

"Kahit na ! Ayoko kayang nahihirapan ka , Princessa kita eh saka diba ako yung princesipe mo" napahinto ako saglit dahil sa sinabi niya. May naaalala akong isang tao

"Teka ? Ano yun?" Pagpapalinaw ko sa mga sinasabi niya

"A--ah eh ang sabi ko , princessa kita kaya simula ngayon ako na ang princesipe mo, alam mo princess ? Kahit kailan slow ka talaga" Hindi na ako natawa sa biro niya , mas nagugulohan ako ngayon .

The Bad Girl Hidden in an Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon