6- This Is War

180 4 0
                                    

Warning lang po, kung di kayo sanay or ayaw niyo sa bad words because of your reasons, wag niyo nalang basahin to. Meron eh pero konti lang naman. Sensya XD

~

Andito kami sa Caf. Kasama ko si Shaira sa isang table. Kinekwento ko sa kanya ang mga nangyari kagabi, KV talaga. Hihihihi (KV= Kilig Vibes)

"Gan-ito kasi yun, kasama ko si Ate Nina, classmate ni JV. Alam niya kasi lahat lahat tungkol sa crush life ko at close na kami kahit ngayon palang kami nagkakilala. Dahil may party ang section nila, syempre andito si JV AT ANG GIRLFRIEND NIYA. Cousin kasi ni Ate Nina ang bestfriend ko na nasa ibang school kaya nagmakaawa ako na ako naang ang isama ni Ate Nina dun. Tapos..

*flashback*

"Diyan ka lang sa daanan na yan, okay? Wala namang tao jan eh at wala masyadong tao ngayon kaya walang mambabastos sayo. Wag kang aalis at wag kang magsasalita. Kahit dadaan pa ako, okay? Syempre, except for emergencies." Sabi niya.

"B-bakit? Anong plano mo?" Tanong ko.

"Basta magtiwala ka lang sa akin." Sinabi niya yun tapos umalis na siya.

Nandun na ako for 5 minutes. Pagkatapos, nakita ko siyang dumaan kasama si JV. Sumakit tiyan ko bigla. Basta kasi nanenervous ako, sumasakit tiyan ko eh.

Ewan ko anong pumasok sa isip ni Ate at tinulak niya si JV sa daanan kung saan ako. Medyo madilim dito pero sakto lang para makita kung sino ang taong kasama mo.

Nabangga niya kasi ako at sabay kaming natumba. Nauna siyang matumba kaso lang naghanap siya ng makapitan kaya nadala niya ako.

"Ouch..." Sabi niya.

Di ko nga alam kung ano ang posisyon namin ngayon. Nung nawala na siguro konti ang sakit, nagsalita siya.

"Ah miss, miss, pasensya na. Pasensya na talaga." Sabi niya sa akin.

Dun ko pa nalaman na nakapatong pala ako sa kanya. Tumayo ako agad. Tinulungan ko rin siya tumayo dahil panigurado nasaktan rin siya.

"Pasensya na rin. Nabigatan ka tuloy sa akin." Sabi ko.

Tumayo na siya.

"May masakit ba sayo, Miss?" Tanong niya sa akin.

"R-Rian? Ikaw pala yan? Pasensya na. Pasensya na talaga." Patuloy niya. Medyo nagulat siya na ako yung nabangga niya.

"Hindi okay lang, okay lang. Balik na tayo sa tables niyo baka hinahanap na tayo." Sabi ko  sakanya.

Nagface siya sa akin.

"Sigurado okay ka lang? Baka may masakit sayo?" Sabi niya sa akin. Wuaaaaaaah! Namula yata ako. Ang init siguro ng pisngi ko! XDD

"Wala. Wala talaga. Bumalik na tayo sa table." Sabi ko sa kanya.

Insecure LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon