11- I'm Back =)))

160 3 2
                                    

{Arian}

"Ladies and gentleman, we just arrived on Ninoy Aquino National Airport through flight 3509. Thank you for choosing Philippine Air Lines and have a good stay in the Philippines."

Andito na ako! =))))) Nasa tabi ko si Neil ngayon. Nagpahuli sila mommy eh. Susunduin ako ni Nia. Nasa labas na nga daw siya. Miss ko na tlga siya!

"Hoy Neil, sino magsusundo sayo?" Tanong ko.

"Syempre sasabay ako sayo!" Sagot niya.

"Swerte ka? HAHAHAHA" Sagot ko.

"Bahala ka. Basta sasabay ako sayo :P" Sabi niya sa akin.

"Haha. Osige na nga. Kung di lang kita mahal iiwan kita dito mag-isa." Sabi ko.

Bigla siyang nanahimik pagkatapos nun at tumingin lang sa labas habang nagpark ng maayos ang airplane.

"Bestfriend, tara na." Sabi ko. 

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

{Neil}

"Haha. Osige na nga. Kung di lang kita mahal iiwan kita dito mag-isa." Sabi ni Arian.

Bigla ako napatigil sa sinabi niya. Simula nung nagkita kami sa Unknown, nagustuhan ko siya agad. Para bang may something sa kanya na noon ko pa hinahanap.

Ou, mahal ko ang bestfriend ko. The whole 2 years, ako ang kasama niya all the time. The whole 2 years I was trying to make a move. Pero ang kinalabasan, naging bestfriend niya ako. I don't know what he feels back. More probably, best friend lang talaga ang tingin niya sa akin. Kaya nung napalapit na ako sa loob niya, ayoko ng sabihin na mahal ko siya.

Ayoko kasi mawala ang friendship namin dahil lang sa nararamdaman ko. Sana mawawala na to. There is 99% chance that she doesn't love me back. But that 1% is the reason why I'm still hoping. Gayshit diba? Ganyan ko siya kamahal eh.

"Bestfriend, tara na." MASAKIT </3

"Opo, ma'am" At pinilit kong ngumiti.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

{Arian}

"Niaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" Pagkakita ko sakanya, sumigaw agad ako. "Buisit ka! Miss na miss kita, alam mo yun?!" Sigaw ko sa kanya.

"Eh mas bruha ka! Sino ba naman ang hindi nagpaalam na aalis?!" Tapos nag-glare siya sa akin. "Pero miss na miss na miss parin kitaaaaaa!" Tapos hinug niya ako.

"Uyy Rian tama na. Mauubusan ng hininga si Nia oh." Sabi ni Neil. Anjan na pala siya. Siya ang dumala ng lahat ng gamit namin. HAHAHA Aba dapat lang. Isasama ko siya sa amin tapos wala siyang gagawin? Joke lang XD

Biglang inayos ni Nia ang damit at buhok niya. Ano kayang nangyari dun?

"Siya pala magsusundo sayo?" Tanong ni Neil.

"Ou. Mag-hello ka nga! Sige ka, di ka ipasakay sa kotse niya :P" Sabi ko.

"Hello Nia =) Okay lang ba kung sasakay rin ako?" Tanong ni Neil. Mabait rin pala to. Pero kung close kayo, saksakan siya ng sungit.

"H-ha? Ahhh. O-ou, okay lang :)" Sagot ni Nia at nakita ko konti na biglang pumula ang cheeks niya. Pero bigla siyang tumalikod at sumakay agad sa kotse nila.

"Ano hinihintay niyo? Pasko? Haha. Sumakay na kayo!" Sabi ni Nia. Umuwi na nga kami at papunta na kami sa bahay.

(The Next Day)

(AN: Juniors sila noon. So this year, mag 2nd year college palang sila nina Arian. :D )

Pupunta ako sa college ng school ko noon. Magfill-up ako ng papers chuchu. Tinawagan na ni mommy so sila na daw bahala sa akin.

Andito na ako sa Registrar's office. Ayun, nagfill-up ako, nagsign ng papers, at nagbayad. Okay na. Soooo bukas magstart klase ko :)

Papunta ako sa cafeteria para bumili ng snacks. Gutom na ako eh. Bumili ako sa isang store dun. Hinihintay ko nalang change ko. Ang tagal naman ng tindera -______-

Tapos may pumunta sa side ko, tinignan ko siya at..... Reeza?! Napatagal yata tingin ko sakanya kaya ningitian ko siya. Past is past naman eh. No hard feelings.

Nagulat yata siya dahil nagsmile ako sakanya. Pumilit siyang ngumiti sa akin.

"Oh andito ka pala, Babe. Sino---- Arian?!" Sabi ni JV.

Oh. So gwapo parin siya. Cute parin siya. Mabait parin siya. Together parin sila. Like I care? I DON'T CARE I DON'T CARE I DON'T CARE. Lagi ko inuulit sa isip ko.

"Hello." Sabi ko sakanila.

"Kailan ka lang bumalik? Di man lang sinabi ni mommy na bumalk ka na. Kami sana susundo sayo sa airport. Kumusta ka?" Tanong niya.

"Kagabi lang ako dumating. Andyan naman si Nia. Siya nalang sumundo sa akin." Sabi ko. "Osige, mauna na ako."

Di ako masasaktan. Di ako nasasaktan. Ang swerte niya kung masasaktan ako dahil sa kanya. Sino ba siya?

Palabas ako ng may umakbay sa akin. Si Neil pala.

"Okay ka lang?'' Sabi niya.

"Bakit naman ako hindi magiging okay?" Sagot ko.

"Hmm. Okay. Sabi mo eh. Tara punta tayo airport. Wala ka namang gagawin diba?" Sabi niya sa akin.

"Bakit, anong meron?" Tanong ko.

"Ngayon dadating si Jace. Tayo na susundo." Sabi niya.

Kung minamalas nga naman -__________- Bakit ngayon pa dadating yung mokong na yun?

Insecure LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon