12- Meet Jace

163 6 0
                                    

{Arian}

"Asan na kasi yun?" Tanong ko kay Neil. Grabe! Isang oras na kami naghihintay dito sa airport! Saan na yung mokong na Jace na yun?

"Kinukuha niya pa gamit niya. Oh, andyan na pala siya eh." Sagot ni Neil.

Paglingon ko, nasa harap ko siya. As in harap talaga.

"Ano ba?!" Sabi niya.

"Kasalanan ko bang andyan ka?" Sagot ko.

"Di ko rin kasalanan papunta ako sa kotse ni Neil. Tss." Sabi niya.

"Tama na nga yang LQ niyo. Pumasok na tayo sa kotse." Tigil ni Neil sa amin.

"LQ ka jan. Manahimik ka. Bad mood ako." Sabi ko at nagsmirk si Jace.

"Oh ano nanaman?" Tanong ko.

"Sobrang nakakatakot ka kasi. :P" Sagot niya.

"Ah ganun?" Nagsmirk rin ako. Hindi ko na hinintay na makatakas siya at kiniliti ko kaagad siya. Nasa may door siya ng kotse kaya konti lang ang space niya.

"Ano ba?! Oyy! Oyy Arian tama na! Ahhhh!" Reklamo niya.

"Makatakot kasi ako eh, kaya eto :P" Sagot ko.

"ARIAAAAAAAAN! TUMIGIL KA! HAHALIKAN KITA!" Pagkasabi na pagkasabi niya nun, tumigil agad ako. NO WAY! Etong lalaking to? Hahalik? Sa akin? NO WAY

"Hahaha! Yun lang naman pala hinihintay mo eh." Sabi niya.

"Syempre! Sino ba naman ang gusto halikan ng isang mokong?" Tanong ko.

"Sino?" Tumingin siya sa labas. "Ayun oh." May tinura siya at lumingon ako. May dalawang babae nakatitig kay Jace. Ang dami namang gwapo dito oh. Bakit si Jace talaga tinitignan nila? -_____-

"Oh ano?" Sabi niya. Lumingon ako pabalik at hinalikan niya ako sa cheeks.

"O-oy! Ano ba, ah?!" Pinapalo ko siya ngayon.

"HAHAHAHA! Namula siya oh. Yieee, nagblublush siya ^_____^" Sabi niya. Pinapalo ko parin siya. Sino ba naman ang hindi mamumula kung bigla kang hahalikan ng isang gwapong lalaki? Scratch that. DI SIYA GWAPO!

"Guys, get a room. Nasa airport tayo oh." Seryosong sabi ni Neil. Bakit parang galit siya? Eto talaga si Neil, moody. Tumigil ako agad at sumakay na sa kotse. Ugh! Humanda ka mamaya Jace >____<

"San tayo?" Tanong ko.

"Samahan muna natin mag-enroll si Jace." Sabi ni Neil.

"Psh. Kaya niya na sarili niya, ano! Di siya bata." Sabi ko.

Insecure LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon