13- Dinner

129 5 0
                                    

{Arian}

Yes, di ko po nasabi kay Jace lahat lahat na nangyari noon. Kahit minsan di ako nagkwento. Maliban nalang kung mag-oopen up ng topic si Neil.

Paano ba naman kasi, puro pang-asar at kakulitan ang laman ng utak ng Jace na yan eh. Kwinento ko sa kanya lahat na pwede niyang malaman. Wala naman akong choice nuh. Kinulit kaya ako buong oras.

"Aaah. Kaya pala. Sabi ko sayo diba? Dapat magpretend parin tayo sa school. Ang galing ko talaga. :))))" Sabi niya. Good mood talaga to ngayon ah. Lagi naman tong masungit Anong nangyayari sa mundo?

"Hoooy, sa ayaw at gusto ko, alam ko namang gagawin mo parin yan. At bakit ka ba masaya lagi ngayon? May sakit ka? Lagnat? Wala kang kain?" Tanong ko.

"OA ka rin ah. Oh sige. Di nalang ako ngingiti pag andyan ko." Sagot niya.

"HAHAHAHAHAH! Aww. Tampo?" Asar ko sa kanya. Di naman pwede siya lang ang mang-asar, ano.

Tahimik lang siya. Naman eh! Alam mo namang mabilis ako naguguilty pag nagtatampo ang tao sa akin. Pero titiisin ko. Baka mang-aasar lang to. Pero parang nagalit talaga eh. Ewan ko. Bahala na nga.

Nakarating kami sa isang branch ng Restaurant namin. Sabi ni mommy dito daw kami kakain ngayon. Ewan ko anong meron.

Pagpasok namin, sinalubong agad ako ng isang staff at pinapapunta sa isang table. Laking gulat ko ng nakita ko si JV with his family.

"T-tita! Hello po :))" Bti ko sa kanya. "Magandang gabi po Tito." Bati ko rin sa kanila.

"Pasensya na kung di ka namin nasundo sa airport pagdating mo ah. Mommy mo kasi eh, di sinabi sa amin kasi nakakahiya daw kung susunduin ka pa." Sabi ng mommy ni JV.

"Okay lang po. Okay lang po talaga. Hehe. Kaya po pala dito kami pinapunta ni mommy." Sagot ko.

"Ah. Yes. :)) Tapos tinignan niya si Neil at Jace.

"Ah, ou nga pala. Si Neil po, bestfriend ko. At si Jace..." Tinignan ko muna siya bago tinuloy ang sentence ko. Hindi parin niya ako kinakausap. Usually pag gan-ito kasi lagi siyang nangungulit sa akin, tinatanong kung sino sila o kung among ginagawa namin, lahat lahat na. Siya pa nga laging unang kumausap sa mga name-meet niya.

"B-Boyfriend ko po." Patuloy ko. Biglang naubo si Jace sa sinabi ko. Di niya siguro inexpect na sasabihin ko yun.

"Oh." At tinignan niya si Jace na nakataas ang isang kilay. "Let them sit :)" Sabi niya.

Umupo na kaming tatlo. Nasa front si tito, sa right side si tita, ako, tapos Jace. Sa left side si JV tsaka Neil.

Pag-upo namin, sinerve agad ng waiter yung food. While kumakain kami, nagtanong si tito at tita about sastay naminsa US. Kung pano yung school, yung mga tao, and other chuchu dun. Tahimik lang si JV. Si Neil at Jace nag-uusap paminsan-minsan.

Di parin ako kinakausap ni Jace. I poked him nung natigil yung convo namin nila tito. Di parin tumitingin eh.

"Jace..." Di parin kumikibo.

"Uyyyyy." Sabi ko. Wala parin siyang sinasabi.

"Jace naman eh. Sorry na." At tinignan ko siya with puppy eyes. Tumingin siya sa akin. Di sila nakatingin sa amin kaya tinaasan niya ako ng kilay na parang may hinihintay pa siyang dapat kong sabihin.

Errrrr >____< Sabi ko na nga ba pinagtritripan niya lang ako. NAKAKAINIS TALAGA TONG TAONG TO! Ay hindi pala to tao -_____-

Psh. Pero nasabi ko na eh. Panindjgan ko nalang. Andito rin naman si JV. Sila lang ba ni Reeza ang pwede maging sweet? SCRATCH THAT! Over na pala ako sa kanya. Pasensya na ah, nakakalimutan ko kasi paminsan @@

"Jaaaace. Kasi naman eh. Di kasi ako sanay ganun ka." Napalakas ko yung boses ko kaya nakuha ko attention nila. Pinopoke ko parin ang braso niya.

Nabigla ako ng lumingon siya bigla.

"Kiss mo muna ako. ^_______^" Sabi niya na nakasmile. Sobrang bipolar talaga tong taong to! Kanina lang halos nafefeel ko ang bad aura niya tapos ngayon...

"Jaaaaaaace!" Pagalit kong sabi. Sheet. May mga taong tumingin. Sorry po @@ Nakalimutan kong boyfriend ko pala siya. "Nakakahiya naman eh. Anjan sila tita ooh" I sweetly said. Nakuuu Jace pag sila tita umalis na, pauuulanan kita ng hampas at suntok!

*tsuuuuuuuuup* Kiniss niya ako sa cheeks. "Bati na tayo ^______^" Sabi niya sa akin.

#__________# NAKAKAHIYA!!!

-----

Sorry if short :((( =)))))

Insecure LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon