16- Happy Birthday, Nia!

159 10 2
                                    

Nagkita-kita kami sa isang gasoline station at nag-convoy papunta sa resort. May mga 7 na sasakyan. Sabay kami ni Nia, Neil, Ako, at Jace sa isang kotse. Si Neil ang nagdrive at si Nia ang nasa front. Syempre, pinilit ko eh >:))))))!

"Nia, okay ka lang?" Sabi ko. Halatang ninenerbyos siya eh. HAHA

"B-bakit naman ako hindi magiging okay?" Sagot niya.

"Sigurado ka? Mukha kasing hindi eh." Pagpilit ko.

"Okay ka lang ba talaga, Nia? Mukhang ninenerbyos ka talaga eh." Sabi ni... NIEL! "Malamig ba? Oh di ka komportable jan?" Patuloy niya. Syempre, sasabihin niya yun. Gentleman yata tong best friend ko. Kaya ang dami-daming naghahabol sa kanya eh. Pero wala siyang sineseryoso. Bakla siguro? Di naman XD

Eto namang si Jace, same as always, nangungulit parin. Lagi akong iniinis at inaasar -.- Mga tatlong oras pa daw ang byahe. Kaya after 1 hour, nakatulog ako.

Nagising ako sa isang flash ng light. Pinicturan ako ni Nia. Bakit?

Narealize ko ang position namin ni Jace at pumula ako ng sobra-sobra. Pasensya naman, makulit kasi talaga ako matulog kahit sa kama o sa kotse man. Naalala ko na nakasandig lang ako sa kabilang side ng window, tapos ngayon nakahiga na ako sa lap ni Jace, ang isang kamay niya nasa buhok ko, at ang isa naman nasa kamay ko at nakasandig siya sa window. Nagising na rin siya at nakita kong pumula rin siya sandali.

Pagkatapos namin maghabulan ni Nia para makuha ko yung pic, pumasok na kami sa loob. May lahing kabayo yata tong isa kong bestfriend eh. Ang bilis makatakbo!

Ang loob ng resort ay kasing ganda lang ng labas. Alam mo yung perfect paradise na hindi natin alam saan, dito na yata yun eh. Lahat kami may isa-isang kwarto. And take note: more or less 30 kami dito. Yup, ganyan siya kalaki. Di pa daw to commercial hotel ah.

Pagkatapos namin iligpit ang mga gamit, pumunta na kami agad sa dining area para kumain. Para akong nakakita ng anghel... Sino ba naman ang hindi, andito lahat ng favorites ko! Pizza, fries, burger, popcorn, chocolate, nachos, ice cream, at marami pang iba.

Nagulat nalang ako ng may bumulong sa tenga ko na sobrang lapit. Kilala ko agad kung sino. "Babe, hinay-hinay lang." Jace. I just rolled my eyes. Paminsan lang to eh. Lumayo na siya ngunit may nakalimutan siyang sabihin kaya lumapit siya ulit.

"Baka di ka na kasing sexy mamaya sa bating suit mo" at dahil dun, binatukan ko siya at tinapunan ko siya ng mga popcorn.

"Aray! Babe! Ah! Babe naman. Joke lang. Sexy ka man o hindi, maganda ka parin naman eh." Sabi niya. Lahat nakatingin sa amin habang sinabi niya yun kaya namula ako habang kinakantsawan nila ako. Sinubukan kong di maapektuhan pero inaahas ako ng dugo ko sa mukha @@ Kaya ayun, kumain nalang ako ulit hanggang nakaget-over sila. Buti naman.

"Happy birthday, Nia!" Nagulat kaming lahat ng may isang high-pitched voice na sumigaw. Lahat kami napalingon at kahit ako napanganga sa ganda ng babae. Klarong-klaro na confident siya at proud na proud siya sa sarili niya. Suot niya ang isang sun dress na sobrang ikli, sobrang puti niya at may dark brown hair siya. Lahat kami nagulat pero walang makakatalo sa expression ni Neil. At ng nakita niya rin si Neil, napahinto siya sa paglalakad at lumaki rin ang kanyang mata.

"What is he doing here?" Bulong na tanong niya habang nakatingin kay Neil. Medyo malapit siya sa akin kaya narinjg ko.

She quickly composed herself at binigyan si Neil ng isang smile. Smile na may kasamang sadness. Smile na ang daming mas malalim na dahilan.

Pinuntahan niya si Nia at niyakap siya.

"Guys, si Isabelle, family friend namin. Izzy nalang itawag niyo sakanya." Sabi ni Nia.

"Hello." Sabi ni Izzy in a British accent. Naka naman, diba? Sa London kasi siya lumaki. Bumibisita lang daw siya dito at 3 years ago, she decided to stay here for good.

Nasa harap ko lang si Neil pero di ko matanong sa kanya kung bakit ganun ang inasal niya kanina kung di maririnig ng marami. Yup, ganun kalawak ang table.

Pagkatapos kumain, bumalik ulit kami sa mga rooms para magprepare sa main event. Magkatabi lang kami ni Nia kaya pumasok ako sa room niya.

"Magpalit ka na, mahal kong bestfriend. Magsisimula na ang party oh." Sabi niya sa akin kahit di pa niya ako nakikita. Alam niya agad?

"Dito na ako magbibihis." Sabi ko.

"Di pwede." Sabi niya napagalit. Nag-pout ako.

"Syempre, joke lang. Tapos na ako nag-CR. Pasok ka na." At ayun, pumasok na ako at ginawa ang dapat kong gawin. Sinuot ko na rin yung two-piece na bago ko lang binili.

Paglabas ko, "Bes, you're gorgeous!" Sigaw ni Nia.

"Psh. Ako? Eh ano ka nalang?" Totoo naman eh. Ang sexy niya sa one-piece swim suit niya.

"Tumahimik ka nga, Bes. Tara, baba na tayo." Naglagay muna kaming dalawa ng pantakip bago bumaba.

Pagkaratingn na pagkarating namin sa poolside, kumanta agad ng "Happy Birthday" ang mga bisita at sumabay na rin ako. May papalapit na mga lalaki ni Nia at sinusubukan siyang hulihin. Itatapon yata siya sa pool. Haha. Lahat ng mga tao dito naka swim wear na. Nang malapit na talaga si Nia sa pool, pinatigal niya muna sila.

"Waaait! Tatanggalin ko muna to." Tapos tinanggal niya ang white see-through bikini dress at naghiyawan ang mga tao. Tapos...

SPLASH! "Happy birthday, Nia!"

Ako nalang talaga ang wala nakaswim-suit at marami na ang nakapansin.

"Babe, hubarin mo na yan." Sigaw ni Jace na nasa pool na at basa na ang ang buhok. HOT. Este, ang sarap talaga batukan ng lalaking to.

"Oo nga!" Sabi ng isang random guy.

"Hubarin na yan!" May isang lalaking nagsimula magchant.

"Hubarin nayan!" Marami-rami na ang nakikisabay.

"Hubarin na yan!" Lahat na sila sumisigaw.

"Oo na, oo na, wait lang." Sagot ko.

"Countdown! 5!" Sigaw ni Nia.

"4!"

"3!"

"2!"

"1!"

Pagkatapos ng 1 ay hinubad ko na ang black see-through bikini dress na parehos kay Nia. Timing na timing ang hangin kaya feel na feel ko tuloy. Haha. Joke lang. Tapos nakita ko ang mukha ni Jace, priceless.

Bakit kaya? @@

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Insecure LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon