CHAPTER 12

65 10 3
                                    

IAN'S POV

Absent ung teacher namin ngayon. Nagdidiwang ang buong klase. Gaya ng dati, parang palengke.

I hate noise. Ewan ko ba. Basta. What i hate most is noise. Ayoko sa mga taong maiingay, ayoko sa lugar na kung saan maingay.

Nandito ako sa labas. Ang ingay kasi sa loob.

Nag-vibrate yung phone ko. May nagtext. Si Naphne. Tinatanong kung san ako.

Nireplyan ko naman. Sabi ko nasa tabi tabi lang.

Napatingin ako sa babaeng kalalabas lang ng room.

Mula sa kinaroroonan ko, kitang kita ko ang pagpikit ng kaniyang mga mata at paglanghap niya sa sariwang simoy ng hangin. Yung buhok niya sumasabay sa hangin.

Ganito talaga dito, mahangin. Kaya nga lagi ako dito eh.

Mula sa pagkakapikit ng mga mata niya, unti-unti niya itong iminulat at huminga ng malalim.

"Ui tol! Nandito ka lang pala!" napalingon ako sa kanila

"Yeba! Sarap ng hangin!" - A.D

"Talaga tol? Anong lasa?" - Kean

"Tae naman tol!" - A.D

"Ahahahahahahaha"

Tae talaga. Nakakairita kasi yung tawa ni Kean. Tinalo pa ang tawa ng babae.

"Tol. Ano balak niyo? Sabado bukas. San tayo?" - Kean

"Tara dun sa maraming chiks!" - A.D

Tsk. Tsk. Kahit kelan talaga, playboy 'tong A.D na 'to. Puru chiks ang alam.

"Gusto mo ba ng chiks tol?" tanong ni Kean "Ayun oh"

Sabay sabay kaming napatingin sa inginuso niya.

Sila Tanya na kalalabas lang din.

"Yown!" - A.D

"Hey hey hey hey!" sabay hila ni Kean sa polo niya nang pahakbang na siya papunta kila Tanya "San ka pupunta?"

"Tol naman. There oh" at nginuso niya sila Sandy

Maka-english parang babae ah. Haha.

"Sige tol. Good luck" - Naphne na sinabayan pa ng tawa

His PropertyWhere stories live. Discover now