CHAPTER 3

128 14 7
                                    

CAI'S POV

"Haaay nako..kayong mga bata talaga kayo, oo" sabi ni papu

"Pare, nakakatawa naman...may nagmana pala sa'tin! Hahahahaha" -Tito Fredo

"Mana-mana lang ata talaga to mga pre" sabi naman ni Tito Dylan na natatawa

"Oh siya, magdecide na kayo" - mamu

"Hmm..." sabi naman ni Tito Fredo na parang nag-iisip

"Alam ko na!" biglang sabi ni papu

"Ano????" sabay-sabay naman nilang sabi

"Ahahahahaha...di niyo ba naiisip ang naiisip ko?" - papu

Nakatingin lang sila kay papu na parang nagtatanong.

"Bibigyan ko kayo ng clue" - papu

"Sige!" sabi naman ni Tito Dylan na excited na excited

"Ano yung clue?" - Tito Fredo

"B.C" - papu

Dali-dali naman silang nag-isip.

Haaay nako. Ano bang ginagawa nila? Sabi ko sa isip ko.

"Alam ko na!" - Tito Fredo

"Ano????" sabay na naman nilang tanong

"Black Cat"

"Black Cat????" - Tita Lea

"Oo. Black Cat" sabi na naman niya na parang nagyayabang

"Ano ka ba. Hindi Black Cat!" - Tita Lea

"Eh ano???"

"Butter Cup" sabay ngiti niya

"Ahaha" tawa naman ni Tito Dylan

Tumingin naman sila sa kanya.

"Ano namang tinatawa-tawa mo  diyan pre?" tanong ni Tito Fredo kay Tito Dylan

"Ahaha. Kasi...kung anu-ano pinagsasabi niyo. Ang simple simple. B.C, British Columbia. Oh diba?"

Ano'ng pinagsasabi nila? Tinignan ko si Freya na nasa tabi ko. Gaya ko, nakakunot ung noo nya. Tinignan ko din si Sandy. Nakatingin lang din sya sa kanila.

"Ano bang ginagawa at sinasabi nila?" sabi ko kila Sandy

"Ewan ko" - Sandy

"Ano yan? Naglalaro sila?" - Freya

Para silang mga ewan. Naghuhulaan. Pinoy Henyo lang ang peg? Di palang kasi sabihin ni papu. Tsk tsk.

"Pano naman naging British Columbia?" tanong ni Tita Sandra

"Kaya nga. Ang layo naman" - Tita Lea

"Oo nga. Anong---" sabi naman ni mamu na napatigil "Teka nga...bat ba tayo napunta dito? Ano to? Pinoy Henyo??" dagdag pa nya

"Oo nga" - Tita Lea

"Ahh...ehh...kasi..." - papu

"Oo nga pre. Ano naman 'tong pakulo mo?" - Tito Fredo

"Uto-uto naman kami" - Tito Dylan

"Buti naman naisip nila yun" sabi ko kila Freya

"Sinabi mo pa. Kung san san na nga napunta usapan nila eh. Haha" - Freya

"Ahm...ano kasi...B.C. Naisip ko lang. Di'ba may bahay bakasyunan tayo sa Baguio? Siguro naman alam niyo na yung B.C'ng sinasabi ko. Baguio. Baguio City. Madami namang magagandang schools dun eh. Balita ko, Zircon Academy ang pinakasikat. Ano sa tingin nyo?" - papu

"Oo nga noh?" sabi naman ni Tito Fredo na parang manghang-mangha kay papu

"Sure ka bang maganda dun?" - mamu

"Oo. Sinearch ko kagabi" - papu

"Oh, eh, di dun na" - Tito Dylan

"So...dun na. Final na yun" - Tita Lea

"Ahm, Freya, Sandy at Cai...bukas na bukas, ilalakad na namin yung mga records niyo, yung mga kelangang dapat ilakad. Para sa Monday or sa Tuesday, pwede na kayong pumasok. Napag-usapan din namin na..." di pa tapos si Tita Lea nang nagsalita na si Freya

"Opo mhie. Narinig namin"

"Hehe. Kayo talaga anak. May bahay bakasyunan naman tayo dun diba? Dun kayo mag.i.stay" - Tita Lea

Nagtinginan lang kaming tatlo.

"Oh siya. Tutal tapos na, mauna na kami" narinig kong sabi ni Tito Fredo

"Sige pre. Salamat" - papu

"Kami din pre. May meeting pa kasi ako" sabi ni Tito Dylan at tumayo na din

"Oh. Sige. Sige. Mag-iingat kayo" - papu

Tumango lang sila.

"Kita nalang tayo bukas. Anong oras ba?" - Tita Lea

"Mga 9 siguro" - mamu

"Sige"'

"Freya, anak. Tara na" - Tita Lea

"Una na kami Cai" - Freya

"Alis na din kami" - Sandy

"Sige. Ingat kayo"

Tapus nagyakapan kaming tatlo.

"Tita, Tito una na po kami" - Freya at Sandy

"Sige. Sige. Ingat kayo" - mamu at papu

"Opo"

Hinatid naman namin sila hanggang sa labas.

"Cai, dati mo ng ayusin ung mga gamit mo" - mamu

"Sige po"

Paakyat na sana ako sa kwarto nang biglang bumukas yung pinto. Sina Tito Fredo at Tita Lea.

"Oh, bakit pre? Miss mo agad ako?" - papu

"Eee...naiwan kasi namin si Fitz eh. Asan na ba yun?" - Tito Fredo

"Ahh. Oo nga noh? Cai tignan mo nga sa kwarto ni Joshua" - papu

Tinuloy ko naman na ang pag-akyat ko. Narinig ko pang sabi ni papu,

"Kita niyo na. Pati anak niyo nakalimutan niyo" tapus tumawa sya nang malakas

Oo nga noh? Bat di ko din napansin un?

Pagbaba ko naman, kasama ko na sina Wawa at Fitz.

"Anak tara na" - Tita Lea

"Si ate mommy?" - Fitz

"Nasa kotse na" - Tita Lea

"Pano ba yan pre, last na talaga to. Una na kami. Wala na kaming..." sabi ni Tito Fredo tapus binulong ung kasunod "Nakalimutan. Hehe"

"Sige pare"

-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-

 - KookyDamsel

His PropertyWhere stories live. Discover now