CHAPTER 7

97 11 6
                                    

CAI'S POV

Kriiiiiiiiiiiinnnnnnggg!!!!! (tunog po 'yan ng alarm clock. Hindi po yung sa ice cream. Hehe)

Kriiiiiiiiii-

"Ano ba! Ang ingay ingay.Tsk"

(Ilang minuto ang nakalipas)

"Prinsis?"

"Prinsis?"

"Hmm..." pumakanan ako ng higa. Yung paside na nakaharap sa kanan

 May narinig na akong katok.

"Prinsis bangon na. Maaga pa pasok niyo"

Pagkarinig dun, bigla akong napabalikwas sa kama ko.

"Maaga pa pasok namin?" na parang kinakausap ko yung sarili ko

Lumaki yung mata ko.

"Sh*t! Ngayon na pala kami papasok!"

Teka...nag-alarm ako eh. Bat di ko narinig? Sira ba?

Tinignan ko yung alarm clock sa table na malapit sa kama ko, wala.

"Prinsis..."

"Po?" sabi ko at agad na binuksan yung pintuan

"Bat ba ang tagal tagal mu?"

"Ah, pasensya na po ya. Medyo napasarap lang sa tulog. Sila Freya at Sandy po? Gising na ba?"

"Kagigising lang din. Maligu ka na at kakain na mamaya"

"Sige po"

Agad akong dumiretso sa banyo.

After 30 minutes...natapos din sa pagligo. Nagbihis na ako. Hmm...infairness...maganda ang school uniform nila.

Humarap ako sa salamin at nag-ayos.

"Huh?" at yumuko ako para hanapin yung nalaglag na clip ko. Kumapa-kapa ako sa ilalim ng kama

Ayun. Buti naman. Icliclip ko na sana kaya lang...pagtingin ko...

"Ano to?" sinuri ko sa lahat ng anggulo "Takip?"

Agad akong nag-kneel down at sinilip yung baba ng kama. Nakita ko yung alarm clock. Tapus nagkalat na baterya.

His PropertyWhere stories live. Discover now