CHAPTER 2

157 15 18
                                    

CAI'S POV

Lumabas na ako ng banyo.

Yung dalawa? Ayun...Nakahiga sa kama ko, hawak ang mga phone. Rinig ko din yung sound ng flappy bird na yun. Mukhang seryoso sila ah. At parang may kanya-kanyang mundo. Di nga nila namalayan na lumabas ako ng banyo eh.

Pumunta ako sa kinaroroonan ng cabinet ko at inopen. Kumuha ako ng short at t-shirt at sinuot. Sa banyo po ako nag-undies. Baka sabihin nyo di ako nag-undies. :D

Pagkatapos magbihis, pumunta ako sa table kung saan nandun ang pulbo, pabango at kung ano-ano pa. Umupo ako at nagsalamin. Hinagod ko muna ung buhok ko gamit ang daliri ko tapos kinuha yung suklay at nagsuklay.

Ang haba na pala ng buhok ko.

Narinig ko namang sumigaw si Freya. Tinignan ko siya sa salamin.

"Aaarrg! Kainis! 72 na!"

Tumingin siya kay Sandy na naglalaro parin.

"Ma-a-out na yan! Ma-a-out na yan!" pang-aasar ni Freya

"Wag mo nga akong dinidistract! Game over ka lang eh. Hahaha!" - Sandy

*Pijug!*

"No!!!" inis na sigaw ni Sandy na nakatingin nang masama kay Freya.

Unti-unti namang iniba ni Freya yung direksyon ng mata niya na parang wala siyang kinalaman dun.

Sa pagkakaalam ko, tunog yun ng na-game over? :D

"Wala akong kasalanan diyan" - Freya

"Anong wala! Eh dinistract mo ako eh! Na-game over tuloy" - Sandy

"Excuse me. Ikaw mismo nandistract sa sarili mo noh? Dada ka kasi ng dada" - Freya

"Hindi ako magdadada kung hindi mo ako dinistract!" - Sandy

"Ee di...ulitin nalang natin" - Freya

"Ok! Fine!"

"Game!"

Sunod ko namang kinuha yung pulbo at nagpulbo tapus nag pabango.

"Yan...fftb na" sabay ngiti ko

Pinuntahan ko silang dalawa na ngayon ay nakaupo at nakasandal na sa kama ko.

"Tara na" sabi ko sakanila

His PropertyWhere stories live. Discover now