CHAPTER 11

80 11 9
                                    

FREYA'S POV

Ang bilis ng araw. Parang kailan lang nung first day namin dito sa Zircon. Ngayon second week na.

Inaantay namin si Miss Kalas. Siya kasi ang next teacher namin.

Pinapanood ko lang ang mga classmates namin. Ang iingay nila. Naramdaman kong may pumapalo sa upuan ko. Hinayaan ko lang. Baka di sinasadya.

Maya-maya naulit na naman.

Naiirita na ako. Ang sakit sa tenga.

Nilingon ko yung nasa likuran ko. May hawak siyang drumsticks at feel na feel magdrums. Mukha bang drums 'tong upuan ko? Sabihin niyo nga sa'kin?

Tinignan ko siya nang masama. Napatigil naman siya nung makita niya ako.

"Anong tinitingin tingin mo?"

Haleeer?? Hindi ba siya marunong makiramdam? Nakakaistorbo na siya, ganun pa siya umasta! Tinaasan ko siya ng kilay.

"Masakit kasi sa tenga 'yang ginagawa mo" pataray kong sabi

"Kung masakit sa TENGA MO ang ginagawa ko, eh di lumabas ka" pasuplado niya ding sabi sa'kin

"Ikaw kaya ang lumabas! Ang dami mong naiistorbo!"

"Madami? Tignan mo nga kung nagrereklamo sila" turo niya sa mga classmates namin "Hindi diba? Nandamay ka pa"

Ngggr.. Ginagalit talaga ako ng lalaking 'to.

"Oh ano, wala ka ng masabi?" dagdag pa niya

Sa totoo lang, wala na nga talaga. Hehe. Inisnoban ko nalang siya at umayos ng upo. Siya namang pagdating ni Miss Kalas.

"Good morning class"


Pagkatapos ng prayer, nagpakopya agad si Miss Kalas. Ang dami ha. Masakit nga sa kamay eh.

Napatigil ako sa pangongopya. Pano ba naman kasi. Natulak yung upuan ko. Sumobra tuloy yung buntot ng 'a' na sinusulat ko. Kainis. Ang habang linya.

Sino pa nga ba ang may gawa? Eh di ang magaling na lalakeng nasa likuran ko!

Di pa nakontento sa pagtulak sa upuan ko, ginawa na namang drums 'tong upuan ko!

"Relax lang. Timpi timpi din pag may time. Mamaya titigil din 'yan" Sabi ko sa isip ko.

Bingi ba si Miss Kalas? Di ba niya naririnig? Pati mga classmates ko, bingi din ba? Ako lang ba? Ako lang ba ang nakaririnig???

Wala ba talagang balak tumigil ang lalakeng 'to? Kasi naiinis na ako.

"ARAY!!" sakit nun ah >_< "DI KA BA TALAGA TITIGIL??!!!" galit kong sigaw sa kanya

"What?"

What what!! What-whatin ko mukha niya eh!

"SABI KO, DI KA BA TALA-"

"I heard" pagputol niya sa sasabihin ko

"PALA EH!"

"Eh...Bat mo ako SINISIGAWAN??!"

"KASI NAIIRITA NA AKO SA'YO!!! TSAKA KUNG GUSTO MONG MAGDRUMS, MAGDALA KA NG SARILI MONG DRUMS! HINDI DRUMS ANG UPUAN KO!!!"

His PropertyWhere stories live. Discover now