Dare to Forget Her and Fall In Love With Me - Chapter 42

336 5 0
                                    

Chapter 42

Jaycee’s POV

Kinakabahan ako sa magiging reaction ni Lienne pag sinabi kong aalis ako. Baka magalit sya? Maya-maya, nag-vibrate yung phone ko.

From: Lienne <3

Medyo matatagalan ako. Traffic kasi.

Nag-hintay lang ako hanggang sa dumating na sya. Kumiss sya sa cheecks ko.

“May sasabihin ka ba?” –Lienne

“Meron.”

“Ano yun?” –Lienne

“Lienne, ‘pag ba nawala ako kaya mo?”

“Huh?” –Lienne

“Uhmm no—Let’s re-phrase, pag ba umalis ako kakayanin mo?”

“Bakit? Saan ka ba pupunta?” –Lienne

“Wait muna. Sagutin mo muna yung tanong ko.”

“Ewan ko. Hindi ko alam.” –Lienne

“May sasabihin ako pero sana.. sana maintindihan mo.”

“Anu na? Pabitin ka naman eh!” –Lienne

“Pinag-isipan kong mabuti tong desisyon na to. The day bago tayo gumraduate, kinausap ako ni Papa. Ang sabi niya, kailangan ko daw i-handle yung business namin sa States. Nasa akin ang desisyon kung papayag ako o hindi. Malaking responsibilidad yun..”

Nakikinig lang sya pero sa tingin ko na-gegets na nya yung gusto kong sabihin. Nang-gigilid na kasi yung luha nya.

“Tinanggap ko yung responsibilidad na yun, Lienne. Bukas na ang flight ko papunta ng States. Four years ako dun..”

At tuluyan na nga syang umiyak. Lumapit ako sa kanya at tumayo naman sya sa kinauupuan nya. Niyakap ko siya patuloy lang sya sa pag-iyak.

“Ba..bakit ngayon m..mo lang si..sinabi?” –Lienne

“Iniisip ko lang kasi kung baka noon ko pa sinabi sayo, hindi ka pumayag.”

“Papayag naman ako eh.. Naiintindihan naman kita..” –Lienne

“Yun naman pala eh, bakit ka umiiyak?”

“Ma-mimiss kasi kita. Four years, matagal-tagal din yun.” –Lienne

“Sandali lang yun. Basta hintayin mo lang ako.. Tahan na.”

“I-promise mo, hindi mo ako lolokohin.” –Lienne

“I promise!” tinaas ko yung kanang kamay ko.

“Siguraduhin mo lang! Dahil nakuuu~ Pag ako nag-punta dun at nakita kitang may kasamang iba, hindi ako mag-dadalawang isip na mag-pakamatay.” –Lienne

“Wag naman ganyan! Hinding-hindi kita lolokohin. I love you!”

“I love you more.” –Lienne

End of Jaycee’s POV

Lienne’s POV

Nakakalungkot. Alam ko parte to ng mga pag-subok sa amin ni Jaycee. Kung hindi ko sya papayagang umalis, wala rin kasi ang selfish ko naman pag ganun. Bukas na ang flight niya.. Sana.. sana lang makaya kong hindi sumunod dun.

**kinabukasan**

“Lienne!! Hindi ka ba sasamang mag-hatid kay Jaycee?!!”

Oh my! Oo nga pala!! Naka-limutan ko.. Tumingin ako sa orasan. 2:45am na!! 3am ang flight nyaaa!!

Dali-dali akong nag-bihis. sana may maabutan pa ko pag-dating ko dun..

End of Lienne’s POV

Jaycee’s POV

“Nak, hindi ka ba ihahatid ni Lienne?” –Mama

“Hindi ko nga po alam eh, wala pa ba sya?” tanong ko kay Tiffany

“Wala pa, tinawagan ko yung phone nya kaso si Tita ang sumagot ang sabi, on the way na daw si Lienne naiwan daw phone niya sa bahay.” –Tiffany

2:59 am. Narinig kong tinatawag na yung mga pasahero. Sa tingin ko, hindi ko na nya ko maabutan.

“Paki-sabi na lang kay Lienne na mahal na mahal ko sya. Wag kamo syang iiyak.”

“Makakarating.” –Tiffany

Nag-punta na kami dun sa may passenger’s area para mag-board.

End of Jaycee’s POV

Lienne’s POV

2:59am na nang maka-rating ako sa airport. Dali-dali akong tumakbo papasok, nakita ko sila. Narinig ko pang sabi ni Jaycee, “Paki-sabi na lang kay Lienne na mahal na mahal ko sya. Wag kamo syang iiyak.” Hindi ko na sya nilapitan dahil baka hindi ko na sya paalisin. pinunasan ko muna yung luha ko saka ko sila nilapitan.

“Hoy babae! Hindi mo na inabutan!!” –Tiffany

“Mahal na mahal ko rin sya.”

“Narinig mo?” –Tiffany

Tumango lang ako saka ko sya niyakap.

“Okay lang yan friend! At least para rin naman sa inyo yung ginawa niya diba?” –Tiffany

Nag-punas ako ng luha.

“Sabi nga pala nya, wag daw akong iiyak.”

“Oo! Smile na, hija.” –Tita

Niyakap ko rin si Tita. Pagkatapos nun ay umuwi na rin ako sa bahay. Itutulog ko muna to kasi may trabaho na ko. Sa main building pa naman namin ako naka-assign.

Dare to Forget Her and Fall In Love With Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now