13: What's Happening?

652 9 1
                                    

Jiro's POV

Papunta na kami dun sa lugar na itinuro ni Andrei. Isang sasakyan nalang ang dinala namin para madaling makaalis dun sa lugar.

Pati si Jaycee, pina-cancel na yung conference nila. Kaya he's with us too.

Malakas ang kutob ko na nandoon si Lienne at pati si Tiffany na nawawala na rin. Kinakabahan ako eh.

Sabi ni Andrei, magsama daw kami ng mga pulis pero, di ako pumayag. If you notice yung mga ganyan sa pelikula, ayaw ng mga hostage takers na may pulis or else, they will kill their hostages..

"Sigurado ba kayo dito?" Aeriel

"Of course! Tiffany is there." Francis

"Si Lienne din."

Napatingin ako sa kasabay kong nagsalita.

Si Jaycee nga.

Medyo natagalan kami ng konte dahil sa heavy traffic.

"At last. We're here." ako

Nagpark ako malayo sa may lumang ospital. Para hindi kami mapansin agad. Madilim na rin kasi, it's around 6pm na.

"Aeriel, maybe it's good na magstay ka nalang dito." Jaycee

"Yeah, i think so. Baka mapahamak ka." Francis

"But--" Aeriel

"No buts! Or else, i will kick your butt." ako

"Fine. Fine. I will stay here." Aeriel

"Good." ako

Bumaba na kami ng sasakyan..

Naunang maglakad si Jaycee pero, bigla siyang nahinto at may pinulot na kung ano..

"Kay Tiffany 'to right?" Jaycee

Sabay angat ng cellphone.

"Yeah. Bigay ko sa kanya yan." Francis

"Kaya pala kaninang tinawagan ko siya, biglang naputol ang connection." Jaycee

"Wait. You mean.. nandito siya sa lugar na 'to nung tinawagan mo siya?" ako

Well. I think we already knew it.

End of Jiro's POV

Tiffany's POV

"TIFFANY! MAY KUMIDNAP KAY LIENNE. NANDITO SIYA SA MAY LUMANG OSPITAL SA PASIG."

Eto yung eksaktong text na na-receive ko kaya ako nagpunta dito sa lugar kung nasaan daw nila dinala si Lienne.

Alam ko, kasama ni Jaycee si Lienne kanina eh.

Nasa tapat ako nung sinabing ospital nang biglang tumawag si Jaycee..

Ako: Yes? Hello Jaycee? Where's Lienne?

Jaycee: Sa inyo ko nga itatanong yan eh.

Ako: Huh? She's with you kaya sa'yo dapat itanong yan!

Jaycee: Yeah. I know, pero, wala siya dito. Sabi ni manong-guard may pumick-up daw sa kanya. Emergency daw. Akala ko nga kayo yun eh.

Ako: What? Eh ano ginagawa ng mga bodyguards niya?

Tsk. Eto na nga ba..

Jaycee: Di sila sumunod sa loob ng building.

Ako: Tss! Mga baliw na bodyguards talaga. Paano kaya nila mababantayan si Lienne kung nasa labas sila? Tsk!

Jaycee: Easy ka lang.

Ako: Jaycee, nawawala siya! May natanggap akong text na kidna-AAAAAAAAAAAAAAAHH-mmmmmm

Dare to Forget Her and Fall In Love With Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now