9: His Powerful Words

639 10 3
                                    

Update #9

Jaycee's POV

*AWARDING DAY*

Lahat ng players andito na sa loob ng gym.. Pati sila Tiffany, andito din, kaso andun sila sa bleachers, kami andito sa baba..

Katabi ko si Lienne ngayon, parang 'di nga siya mapakali kanina pa eh.

Ako: Don't worry mananalo ako..

Lienne: Ikaw na selfish!

Ako: De. Joke lang. Syempre tayo. Mananalo TAYO!

Humarap siya sa aken..

Lienne: Ja-jaycee, pwede bang pa-pa-pahawak sa kamay m-mo?

Di ko alam pero, di na 'ko nakapagsalita.. Inabot ko nalang yung kamay ko, ganyan din kasi ginagawa ko noon pag kinakabahan ako eh, hinahawakan ko yung kamay ni Mommy..

Hawak na niya yung kamay ko.. Ang lamig naman ng kamay niya..

Ako: Ganito dapat..

Tapos, ginawa ko yung holding hands talaga.. Para gumaan yung loob niya. Masyadong kinakabahan e. Mala-Vanilla Twilight lang eh. Hahaha XD

Lienne: Eh? B-baka an-anung sabihin nila..

Ako: Hayaan mo kung anong sasabihin nila. Di mo naman ikamamatay yun..

Lienne: Napaka--

"Ladies and Gentlemen, welcome to the 20** Sports Fest Awarding Day! Let us please all rise for the singing of the national anthem to be led by Ms. Tiffany Perez and an invocation to be led by Mr. Francis Valeriano.."

Ayos! Sila pala yung mga leads.. Haha. Kung 'di niyo alam, magaling kumanta si Tiffany. Si Francis naman, maganda magsalita, nag-hohost kaya yan sabi ni Lienne nun..

Emcee: Now let's proceed to the distribution of trophies, medals and certificates to the top 3 swimmers and gymnasts.. As I call your number, please proceed to our stage..

Humigpit yung hawak niya sa kamay ko..

Ako: Just relax.

Emcee: Third place ... Gymnast number ... TWELVE!

Emcee: Second place ... Gymnast number ... EIGHT!

Tatayo na sana siya kaso, naalala ko, hawak ko pala yung kamay niya..

Binitawan ko na yung kamay niya tapos, nagpunta na siya ng stage.. Parang.. DISAPPOINTED?

Emcee: And the Champion ... Gymnast number ...

FIVE!

Si Hon-- este Zairah, yung champion. Well, magaling naman siya..

Nag-awardan na.. Bumalik na si Lienne sa upuan niya..

Ako: Okay lang yan. Atleast pang second ka..

End of Jaycee's POV

Lienne's POV

Anu ba yan? Second lang ako.. Dati, lagi akong champion.. Tapos, ang nagchampion pa yung hon-- honey ni Jaycee.

Hmp!

Ewan.. Di ko alam kung bakit ako naiinis!

Jaycee: Okay lang yan. Atleast pang-second ka..

Second? Tss. Ayoko! Nag-promise ako dati sa sarili ko na lagi akong mag-chachampion..

Jaycee: Huy! Champion ako! Di mo man lang ba 'ko babatiin?

Ako: Huh?

Jaycee: Lutang ka pa ata?

Dare to Forget Her and Fall In Love With Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now