OS #14

17.3K 395 15
                                    

XIV.
Bakit?

"BABY, say a." Nakangiting sabi niya habang sinusubukang subuan 'yong boyfriend niya.

Dahan-dahan namang tinabig ni Luke, no'ng boyfriend niya, 'yong kamay niya. "Meg." May diing sambit nito. "Kaya kong kumain mag-isa. May kamay ako." Naiinis nitong dagdag.

Napabagsak-balikat naman si Megan. "S-Sige. S-Sorry." Napasulyap siya sa'kin at nakita niyang nakatingin ako. Nginitian ko siya ng tipid, ngumiti naman siya ng may bahid na lungkot.

Bakit ginaganyan mo lang siya? Hindi mo ba alam na maraming may gusto sakaniya, pero kapag nakita nila 'yong ganda ng ngiti niya tuwing kasama ka, nawawalan na kaagad sila ng pag-asa. Maraming lalaki 'yong nagsasabi na sana sila na lang 'yong nakakapagpasaya sakaniya, na sana hindi siya nasasaktan sa ginagawa mo.

* * *

"HELLO, Megan." Bati ko sakaniya pagkaupo ko.

Seatmates kasi kami, si Luke nasa kabilang section.

Lumingon siya sa'kin at sumilay ang matatamis niyang ngiti. "Hi, Charles! Good morning!" At may kung anong pinindot-pindot siya sa cellphone niya tapos nilagay niya 'yon sa kaniyang tenga. May tinawagan siguro.

"Hello, baby?" Malambing na bati nito. Si Luke. "Masusundo mo ba 'ko mamaya?" Nakatingin lang ako sa ekspresyon niya at nakita kong nawala 'yong mga ngiti sa labi niya. "A-Ah, gano'n ba? S-Sige. Hindi, okay lang. Ano ka ba. Sige, I love you." Binaba niya na 'yong tawag at napatulala sa cellphone niya.

"H-Hala, bakit?" Natatarantang tanong ko nang makitang nangingilid 'yong luha niya.

Tumingin siya sa'kin. "He's being cold. And... H-He.... He didn't say h-he loves me, either. Am I just being paranoid, Charles?" At patuloy ang pag-agos ng luha sa pisngi niya. Gusto ko siyang yakapin pero baka isipin niyang binabatos ko siya.

Sa halip, kinuha ko 'yong panyo ko at pinunasan 'yong mga luhang patuloy na umaagos mula sa kaniyang mga mata.

Maraming iba diyan na hinihintay lang magkalabuan kayo. Nagtataka sila, na 'yong pinapangarap nila, pinapaiyak mo lang. Imbes na pasayahin, sinasaktan mo lang.

Uwian na. Nakita kong malungkot pa rin si Megan dahil sa nangyari kanina.

Naglakas-loob akong magpresinta na ihatid siya. "Gusto mong ihatid na lang kita?"

Napalingon naman siya sa'kin at mabilis na iwinasiwas ang kamay. "Hindi. Hindi na. Ayos lang ako."

"Ayos ka lang? Niloloko mo ba 'ko?" Seryosong tanong ko. Napatitig naman siya sa'kin at napabuntong-hininga.

"I-I'm not okay." Mahinang pag-amin niya at pumayag na rin siyang ihatid ko siya.

Tahimik kaming naglalakad habang sinasalubong namin 'yong malamig na hangin. Mas komportable na 'ko sa ganito. Ayoko namang pilitin siyang magkwento sa'kin. Ayos ng kasama niya 'ko at ramdam niyang may karamay siya sa mga oras na nasasaktan siya.

Napalingon kami parehas sa bulsa niya nang mag ring 'yon. Tinatamad niya namang kinuha 'yon at nang makita kung sino ang caller, nabalot ng gulat at saya ang mga mata niya. "H-Hello?"

Si Luke na naman 'to, panigurado.

"W-What? B-But, why? Did I do anything wrong? Luke? Luke!" Naiiyak na sigaw niya sa telepono at tuluyan nang napahagulgol sa pag-iyak.

Nataranta 'ko at hindi alam ang gagawin. "B-Bakit? Ano nanamang nangyari?"

"He... H-He broke up with me." At lalo siyang napahagulgol.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon