Secret Nights - 30

293K 3.5K 256
                                    

Few days after the party, I got missed calls from an anonymous number. At dahil nakasanayan ko nang huwag sumagot ng tawag mula sa mga unregistered numbers sa phone ko, hinayaang ko lang mag ring nang mag ring ang phone ko. Pang nine missed call na 'yon.

Napagod na siguro kaka-dial ang kung sino mang tumatawag kaya nag-text na lang. Nakangiti ako habang binubuksan ko ang message which came from Samuel Ortega.

“Hi! It’s me, Sam Ortega. I’ve been calling you but you’re not answering your phone. Are you busy? Would like to invite you for coffee.”

After knowing that the message came from the enemy, mabilis na idinial ko ang numero niya. “Hi!” masiglang bati ko sa kanya. “Sorry I wasn’t able to answer your phone. I was at the bathroom.”

“So, pwede ka bang ma-invite na mag-coffee?”

Saglit na nag-isip kunyari ako. “Sure. Wala rin naman akong gagawin today.”

“Great! So, susunduin ba kita or we’ll just meet somewhere?” tanong ni Samuel sa kabilang linya.

“Just text me the name of the coffee shop at ako na ang bahalang pumunta doon.” Yesterday ay nag-rent ako ng car sa family nina Yuan. Yuan’s family kasi is into Transportation Company. The Advincula family owns one of the biggest bus company that operates in Leyte—the St. Michael bus company.

Napagkasunduan namin ni Sam na sa Boss Café na lang kami magkita. In less than ten minutes ay pababa na ako ng lobby. Hindi na ako nag hire ng driver dahil marunong naman na akong mag-drive ng car. At hindi naman siguro ako mawawala sa siyudad ng Tacloban dahil halos wala naman masyadong ipinagbago noong umalis ako at mga Romualdez pa ang namumuno. Well, hanggang ngayon ay Romuladez pa rin yata ang nasa posisyon. Not sure though since I’m not really interested with politics.

Pagdating ko sa nasabing coffee shop ay sakto namang pababa rin si Samuel sa kotse niya. Nakangiting lumapit siya sa akin at saka ako bineso.

“You look stunning,” puri niya sa akin habang inaalalayan niya ako papasok ng shop. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Kulay brown na jumpsuit lang naman ang suot ko na tinernuhan ko ng simpleng flat shoes na nabili ko sa mall kahapon. Nakatali ang buhok ko sa pinakataas ng ulo ko na para bang isa iyong korona.

Paupo pa lang kami sa isang sulok ng shop nang mahagip ng mata ko si Zach na hindi man lang ginawang discreet ang ginagawang pagtitig sa akin.

Pinili kong maupo sa pwesto kung saan makikita ko ang reaksiyon ni Zach. Hindi naman nahalata ni Sam na may iba akong tinitignan dahil panay ang chika niya sa 'kin.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon