Secret Nights - 08

382K 3.9K 181
                                    


Hindi ko alam kung blessing in disguise ba na pinalayas ako ng tita Soledad ko or what. Basta ang alam ko, masaya ako ngayon



No, erase that. Hindi lang ako masaya kundi masayang-masaya. Wala nang Jade at Sapphire na nagpapaligsahan sa pag-uutos sa 'kin. Wala nang tita Soledad na hindi yata mabubuo ang araw kapag hindi ako binulyawan. So to speak, para akong nakalaya mula sa pagkakakulong sa isang hawla.



Ngayon, maayos na ang tinutulugan ko. Laging mahimbing ang tulog ko dahil malambot ang kama at malamig pa dahil naka-aircon ang kwarto na tinutulugan ko ngayon. Naisip ko ngang huwag na lang singilin si Zach sa kulang niyang limang libo sa 'kin. Pero kung maiisipan niyang magbigay, siyempre tatanggapin ko 'yon.



Masaya rin ako na magaan ang loob sa akin ni Nana Adeng kahit alam kong nakakahalata siya na madalas tumabi sa 'kin si Zach. Hindi ko lang alam kung alam niya na pumupunta si Zach sa kwarto ko tuwing alas-diyes ng gabi para alam mo na.



Kaya bumabawi na lang ako sa gawaing bahay tutal ay magaling naman ako pagdating sa bagay na 'yan. Kahit na pinipigilan ako ni Nana Adeng ay kusa akong naglilinis ng bahay kahit parang wala namang kalat. Nagdidilig din ako ng mga halaman paminsan-minsan o 'di kaya ay tumutulong sa paglalaba.



Ang ayaw lang ni Nana Adeng ay ang makialam ako sa kusina. Sabi niya ay teritoryo niya daw ang kusina sa pamamahay na 'yon. Hindi na rin ako nagpumilit pa dahil aminado akong masarap talaga siyang magluto.



Pagpasok ko pagka-Lunes ay agad kong namataan si Jade na nakatayo sa pinto ng classroom namin. Nakapameywang siya at mukhang hinihintay talaga ang pagdating ko. Hindi ko kasabay si Zach dahil nang umalis ako ay maliligo pa lang siya. Ewan ko ba sa mga boys, ang hilig magpa-late. Si Zach hindi naman late gumising pero lagi siyang nagpapahuli ng pasok. Ayaw na ayaw niya raw umattend flag ceremony.



Dahil dalawa naman ang pinto ng classroom namin ay pinili ko na lang dumaan sa isa pang pinto para hindi ko na kailangang dumaan sa harap ni Jade.



Pero mukhang nananadya yata ang hitad. Nang makita niyang sa kabilang pinto ako dadaan ay lumipat siya doon at humarang sa daan.



Itinaas niya ang isang kamay sa hamba ng pinto at ang isang kamay ay nilagay sa bewang. Nakataas ang kilay niyang singnipis ng dulo ng bagong tasang Mongol #1 na lapis. Ang akala siguro ng babaeng 'to ay matatakot ako sa kanya.



Binangga ko siya sa balikat at tahimik na pumunta sa chair ko. Nagtawanan ang ilan sa mga kaklase namin dahil nawalan ng poise si Jade at muntik pa ngang matumba dahil sa lakas ng pagkakabangga ko sa kanya.



Mayamaya ay nakita kong lumapit siya sa 'kin na may hawak na bond papers. 'Yong take home quiz siguro namin sa Physics na pinauwi ng teacher namin bago mag prom. Nang tignan ko ang mukha niya ay nakita kong nagpipigil lang siya ng galit.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon