Secret Nights - 15

361K 4.4K 296
                                    


Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi ko alam kung bakit pero masaya ang pakiramdam ko. Heto nga at parang tangang nakangiti ako habang naka-squat na nag-iinat ako sa ibabaw ng kama. Iyon mismo ang naabutan ni Loisa.



"Good morning," bati niya sa 'kin. "Kamusta tulog mo?"



"Good," maikling sagot ko. Nakita kong mukhang masaya rin ang kaibigan ko.



"Bihis ka ng pampaligo mo. Magsu-swimming tayo sa pool na malapit dito."



Napatayo na 'ko sa kama. "May swimming pool sa loob ng campus na 'to?" namamanghang tanong ko kay Loisa.



Siya naman ang ngumiti sa 'kin. "Yeah, meron," aniya. "Wait nga, bakit mukhang ang saya-saya mo? May nakilala ka ba habang hindi tayo magkasama?" tanong niya sa 'kin habang kumukuha ako ng damit sa bag ko. Sa halip na sumagot ay nginitian ko lang siya habang papasok ako ng banyo.



Nang lumabas ako ay nakapagpalit na rin si Loisa. Sabay na lumabas kami sa room at nakita kong naghihintay sa amin sa labas ng transient building na 'yon si Justin. May hawak siyang dalawang supot sa kamay.



"Good morning," bati ko kay Justin.



Habang papunta kami sa pool ay hindi ko maiwasang humanga sa kagandahang nakikita ko ngayon. Napakapayapa ng kapaligiran. Sa nilalakaran namin ay ilang dipa lang at dagat na. Masarap sa mata ang mga halamang nadadaanan namin.



Lagpas pa ng cafeteria ang pool na medyo malapit naman sa mga apartelle na mas 'di hamak na mas mahal kesa sa transient house na kinuha namin ni Loisa. Façade pa lang ay kita na ang ganda ng apartelle.



"Parang ang sosyal naman diyan masyado..." komento ko habang nakatingin sa ilang units ng apartelle na nadadaanan namin.



"Usually ay mayayaman lang na guest ang nakaka-afford na mag-stay diyan since 'yan ang pinakamahal na tulugan dito sa buong campus. Karamihan ay foreigners ang mga guest diyan. I should know kasi nag work ako diyan noong medyo maluwag pa sched ko noong first year pa lang ako," narinig kong sabi ni Justin.



Napansin ni Loisa na bumagal ang paglalakad ko nang makita ko ang lalaking lumabas sa unit number three ng apartelle. It was Zeke-walking like a God with his earphones on. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko ang hitsura niya. He was only wearing boxer shorts at wala siyang suot na pang itaas. May puting tuwalyang nakasampay sa isang balikat niya.



Mukhang magswi-swimming din siya. Nang magtama ang mga mata namin ay bahagyang ngumiti siya sa akin at nauna na siyang maglakad papunta sa gawi ng pool.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon