Secret Nights - 32

290K 3.8K 379
                                    

ZACH'S POV

Habang pabalik na kami ni Amber sa XYZ hotel ay napansin ko ang biglang pananahimik niya. Habang nagda-drive ako ay hindi ko mapigilang sulyapan siya kahit saglit lang.

Sa nakalipas na mga taon ay malaki na rin ang ipinagbago niya. Ngayon ay mas lalo siyang gumanda at halata sa kilos niyang naging mabuti ang kapalaran sa kanya. And I'm thankful for that. Amber deserves a good life after all.

Nasa tapat na kami ng room ni Amber nang lumingon siya sa akin. I saw weariness in her beautiful eyes.

"I can't sleep alone tonight, Zach," she said in what appeared to me a weak voice. Siguro ay naroon pa ang takot niya dahil sa mga nangyari ngayong gabi.

Hinawakan ko ang kamay niya ang gently pressed it against mine. "You can sleep in my room if you want," alok ko sa kanya.

"Okay," mabilis na pag sang-ayon ni Amber.

Magkahawak kamay na hinila ko siya papunta sa room na katabi lang ng room niya. It was not just a coincidence na nasa parehong hotel kami. Nang makita ko siya sa party ng mga Ortega ay mabilis na inalam ko kung saan siya nakatira.

At nang malaman ko ngang sa hotel na 'to siya naka check-in ay mabilis na nag check-in rin ako. I don't know the exact reason why I did that, pero ang alam ko lang ay gusto kong mapalapit sa kanya. A part of me wanted to see even just a glimpse of her.

Ilang taon na rin ang nakakalipas pero tila hindi pa rin ako maka get-over sa nakaraan namin ni Amber gayong hindi naman malinaw kung ano talaga ang mayroon kami noon. Surely, I liked her before. And perhaps, I still like her up to now.

Sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay ko, si Amber ang pinakamatagal na nag stay sa puso ko. I may not be very vocal about what I feel, but one thing is for sure. I did love her at some point of my life. And maybe, just maybe, I didn't stop loving her.

Dahil kung hindi, bakit nandito ako ngayon sa tabi niya gayong dapat ay ang fiancée ko ang kasama ko?

Pagpasok namin sa loob ng hotel room ko ay pumunta si Amber sa sala at saka umupo sa mahabang sofa. Ako naman ay dumiretso sa kitchen at kumuha ng dalawang beer in can. Pagbalik ko sa sala ay iniabot ko sa kanya ang isa.

"Pampakalma," sabi ko bago naupo sa tabi niya.

Ilang minutong namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Tanging lagutok ng pagbukas ng lata lang ang maririnig sa aming dalawa. At dahil sa sobrang katahimikan ay halos dinig ko ang ginawang paglagok ni Amber sa beer.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon