Secret Nights - 21

288K 3.5K 594
                                    

Subalit pagsapit ng umaga ay doon ko na tinanggap sa sarili kong hindi panaginip ang nangyayari ngayon. Habang hinahanda namin ni Nana Adella ang mga puting tela na gagamitin umano ng mga taga punerarya ay hindi ko maiwasang hindi maiyak.

Kahit nang nasa school na ako ay napakalungkot pa rin ng pakiramdam ko. Nang lingunin ko ang upuan ni Zach ay hindi ko siya nakita. Siguro ay kasama siya ng parents niya ngayon. Kung pwede lang ay gusto kong hilahin ang oras para matapos na ang lahat ng klase namin.

Kaya nang tumunog ang buzzer hudyat na tapos na ang last subject namin ay mabilis na tumayo na ako kahit na hindi pa nakakapag-dismiss ang teacher namin. Malalaki ang hakbang ko para makauwi agad ako. Pagdating ko ng bahay ay sakto namang paalis si Nana Adella para pumunta sa chapel kung funeral parlor kung saan nakaburol ang katawan ni Zeke.

Nagprisinta akong sasama dahil gusto ko talagang makita si Zeke. Baka sakaling kapag nandoon na ako sa harap ng kabaong niya ay matanggap kong wala na talaga siya. Dahil hangga’t hindi ko nakikita si Zeke, ayaw kong maniwala na patay na talaga siya.

Pagdating namin ni Nana Adella sa funeral parlor ay nakita kong maraming tao ang nakikiramay. Karamihan sa kanila ay halatang galing sa mga may kayang pamilya. Sa isang sulok ay nakita ko pa si Tita Soledad at Tito Carlos. Nakahinga ako ng bahagya nang hindi ko makita ang kambal.

Pero hindi kagaya ng ibang lamay, hindi nakabukas ang kabaong ni Zeke. Habang papunta kami ay sinabi na sa akin ni Nana Adella ang dahilan.

Nang bumulusok daw ang kotse ni Zeke sa bangin ay sumabog iyon pagkatapos. Sunog na sunog ang katawan ni Zeke at halos hindi na siya makilala.”

At ngayong nasa tapat na ako ng kabaong ni Zeke, halos manakit na ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil kong umiyak. Hinimas ko ang kabaong niya at saka lihim ko siyang kinausap.

"Akala ko ba babalikan mo ako, Zeke? Paano na 'yong painting na promise mo? Ni hindi ko man lang nasabi sa 'yo na gusto kita. Na sa maikling panahong nakilala kita, natutunan na kitang mahalin. Ipinaramdam mo sa akin na espesyal akong babae."

Nang magsisimula nang pumatak ang luha ko ay umalis na ako sa harap ng kabaong at mas piniling mag-stay sa isang sulok. Then I saw Zach walking towards me. Nakaitim siya at halatang kakagaling lang mula sa mahabang pag-iyak.

Hinawakan niya ako sa isang braso hanggang sa makalabas kami ng funeral parlor.

“Simula ngayon, ayoko nang makita ang pagmumukha mo, Amber. Hakutin mo na lahat ng gamit mo sa bahay at huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin,” galit na sabi ni Zach saka akmang tatalikuran na ako. Pero mabilis kong nahagip ang braso niya.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon